Mga Pinoy designer hataw sa Miss U
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 15, 2018 - 12:00am

Hindi lang ang designer ng gown ni Catriona Gray na si Mark Tumang ang Pinoy sa gaganaping coronation ng Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand.

Kasama sa mga designer na ira­rampa ang kanilang gawa ay sina Mark Bumgarner (Miss Ecuador Virginia Limongi) and Michael Cinco (Miss Canada  Marta Stepien); Miss New Zealand Estelle Curd by Sidney Eculla; Miss Kenya  Wabaiya Kariuki by Jian Lasala; Miss Nepal Manita Devkota in Bea Bianca.

Kaya tuloy nagkaroon ang mga nasabing kandidata ng additional exposure sa social media dahil nga kanya-kanya rin ng promote ang mga designer.

Pero talagang isang patunay ito na pang-world class ang mga designer natin na halos P500k ang presyo ng ordinary gown.

Anyway, isa sa nga sa pinakasikat na kandidata sa internet si Catriona at maging ang mga eksperto ay naniniwala na malaki ang tsansa ng Filipino-Australian beauty na masungkit ang korona na naging matunog pa lalo ang pangalan pagkatapos ng kanyang performance sa swimsuit and gown portion sa preliminary competition nung isang gabi.

 Pipiliin ang Top 20 base sa katatapos lamang na preliminaries, na ihahayag sa darating na Lunes. Magkakaroon ng tig-limang representantive ang bawat rehiyon sa mundo – Europe, North America, South America, at Asya at Africa.

Eere ang coronation night nito sa ABS-CBN ng LIVE mula sa Muang Thong Thani, Thailand sa Lunes (Disyembre 17) ng 8:00 am at sa libreng livestreaming sa ABS-CBN Live channel sa iWant app.

 

MISS U
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with