^

Pang Movies

Janella kinaladkad naman ng lasing?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Janella kinaladkad naman ng lasing?!
Janella Salvador

Parang ang gulu-gulo ng buhay ni Janella Salvador. Ngayon siya naman ang may post kung saan ipinapakita niya ang kanyang brasong may pasa, malamang sa hindi hinila siya o hinawakan nang mahigpit sa braso.

Mayroon siyang post na nagsasabing “I think everyone deserves someone who does not harm them, regardless if they’re drunk or not. Men who are raised properly are never supposed to hurt women, no matter what”.

Maliwanag sa kanyang post na isang lalaki, na siguro nga ay lasing ang gumawa noon sa kanya. Hindi naman masama ang magkaroon ng barkada, hindi rin masama ang gimmick, pero kung may nangyayari na ngang ganyan ay hindi na tama. Siguro maidadagdag naman natin na ang sino mang matinong babae ay hindi naman dapat sumasama sa ganoong klase ng mga kaibigan.

Ilang araw lamang ang nakalipas, nagkaroon na naman ng bagong issue si Janella sa kanyang inang si Jenine Desiderio, at iyon ay may kinalaman sa isang driver na hindi na raw maganda ang trabaho at inaalis na ni Jenine pero pilit na pinabalik ni Janella. Lumalabas na mas pinaniwalaan niya ang driver kaysa sa sarili niyang ina mismo.

Ang mga bagay na iyan ay personal, na hindi na dapat lumalabas, pero sila rin ang naglalabas mismo sa publiko - sa kanilang mga social media account.

Pero lahat ‘yan ay hindi magandang balita para kay Janella. Hindi pa siya sikat talaga, ganyan na ang mga kuwentong naririnig tungkol sa kanya. Papaano mo pa siya aasahang sisikat pa nang husto? Kailangang isipin niya, baka ang mga ganyang klaseng balita na lumalabas tungkol sa kanya ang dahilan kung bakit hindi kumikita ang kanyang mga ginawang pelikula.

Pelikula nina Aga at Bea kailangan ng matinding promo

Maganda ang trailer ng pelikula ni Aga Muhlach. Makikita mong iyon ay isang makatuturang love story at isipin ninyo na kinunan pa ang kabuuan sa Canada na isang napakagandang bansa. Ang makita mo lang ang mga magagandang lugar sa Canada without going there ok na eh, pero may mapapanood ka pang isang magandang love story.

Ang kailangan nga lang siguro ay ma-drum up nang husto ang proyektong iyan para masiguro na kikita rin nang malaki. Marami ang nagsasabi, malaki ang posibilidad na ang pelikula ay maging isang malaking box office hit, kung mabibigyan lang nang mahusay na kalidad ng publisidad.

Sinasabi nga ng ilan na tiyak na mas malaking hit ‘yan kaysa sa ibang pelikulang ginagawa nila sa ngayon. Kaya sana naman mai-promote nga nang maayos.  

Male star inuuna ang pagwawalwal kesa sa flop na career

Mukhang tanggap na raw ng isang male star na saang network man siya pumunta, at kahit na sino pa ang i-love team sa kanya ay hindi na siya sisikat. Hindi naman kasi talaga totoo na basta may kaanak kang sikat ay sisikat ka rin. Chances are ikukumpara ka pa at kung lalabas na talo ka, lalong wala na.

Iyon daw ang dahilan kung bakit ang male star ay mukhang nawawalan na ng gana sa kanyang career. Mas madalas pa raw itong makita na nagwa-walwal sa mga bar kaysa isipin kung ano pa ang magagawa niya para hindi naman laging flop ang mga ginagawa niyang pelikula. Iyon ding CD niya, dahil flop din, nasa bargain counter na lang. Singkuwenta pesos na lang ang isa.

Ano pa nga ba ang gagawin mo sa ganyang sitwasyon?

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with