^

Pang Movies

Tessie hindi nahirapang magpalaki ng beking anak

Veronica R. Samio - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Matagumpay ang marriage ni Tessie Tomas sa Briton na si Roger Pullin. Kahit madalas ay magkalayo sila dahil hinihingi ng trabaho nito, naghahanda na sila para ipagdiwang ang kanilang ika-25th wedding anniversary.Makakasama nila sa kanilang celebration ang unico-hijo ni Tessie na si Robin Tomas, isang matagumpay na fashion designer sa New York. Naging mahirap nung una ang acceptance ni Tessie sa pagkakaro’n ng anak na beki lalo’t single parent siya. 

 

Akala niya ay isa itong pagkakamali sa buhay niya pero, sa kalaunan ay natanggap din niya ang sitwasyon lalo’t lumaking mabait at matalino ang kanyang anak. 

Kabilang si Tessie sa cast ng nagtapos na The Blood Sisters.

Gina pinatunayan na naman ang galing sa akting

Muli, nagpamalas ng galing sa akting niya ang ngayon ay nagku-concentrate sa pagdididrek ng mga serye sa GMA na si Gina Alajar. Artista siya sa pelikulang Madilim Ang Gabi na muling magpapatibay ng kanyang galing bilang artista. Kasama sa cast ng movie sina Philip Salvador, Elizabeth Oropesa, Rico Blanco at Rosanna Roces na kung mapipigilan lamang ang patuloy na paglaki ng pangangatawan ay mas dadami pa ang projects niya.

Joed isasama si Richard sa concert ni Sharon

Kung dati ay hindi ipinagkakalat ni Joed Serrano ang pagpo-prodyus niya ng shows at concerts, both for local and foreign talents, hindi na ngayon. Katunayan proud siya sa mga pinagkakaabalahan at pinaghahandaang shows, tulad ng matagumpay na concert ni Sharon Cuneta sa Davao City bilang bahagi ng selebrasyon nito ng kanyang 40th year in showbiz. May concert muli si Mega dito naman sa Kamaynilaan dalawang araw, September 28 at 29 para pa rin sa kumpanya ni Joed. Kapag naging matagumpay ang negosasyon niya kay Ormoc City Mayor Richard Gomez para mag-guest kay Sharon, magsisilbi itong magandang bwena mano sa reunion movie nila under Cathy Garcia Molina na Three Words To Forever. Isa pang malaking show na gagawin ni Joed ay ang pagsasamahan nina Patti Austin at Ian Veneracion sa buwan ng Nobyembre at ang Chippendale shows sa Kia Theater, Dec. 7; Solaire, Dec. 8; City of Dreams, Dec. 9 at Resorts World Manila.

vuukle comment

TESSIE TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with