^

Pang Movies

Sarah, James at Xian ‘di nagpapigil sa hagupit ng habagat

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sarah, James at Xian �di nagpapigil sa hagupit ng habagat
James at Xian

Grabe ang ulan sa Metro Manila noong Sabado at kahapon.

Kapag nagpatuloy ang pag-ulan ngayon, sure nang suspended ang mga klase sa Metro Manila at sa mga pro­binsya na affected ng habagat.

Apektado ng masungit na panahon ang mga sinehan dahil imbes na lumabas ng bahay at ma-stranded sa baha, nanatili na lang sa kanilang mga tahanan ang karamihan sa mga residente ng Metro Manila.

May nagkuwento sa akin na ka­kaunti ang mga nanood ng sine noong Sabado dahil sa malakas na buhos na ulan at baha.

Mabibilang daw sa daliri ang mga nanood ng mga foreign movie na The Meg, Little Mermaid at ng Tagalog movies na kasali sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Hindi naging sagabal ang buhos ng ulan sa pagpunta ng cast ng Miss Granny sa isang mall sa Sta.Rosa Laguna.

Tuwang-tuwa ang fans nina Sarah Geronimo, James Reid at Xian Lim dahil sa pag-apir ng tatlo sa mall show, itsurang baha sa mga kalsada.

Ang sipag-sipag nina Sarah, James at Xian na mag-promote ng pelikula nila na showing sa mga sinehan sa August 22. Ramdam ng fans ang pagpapahalaga sa kanila ng stars ng Miss Granny kaya nangako sila na susuportahan ang pelikula kapag nagbukas ito sa cinemas nationwide.

Direktor ng last concert ni Anne, sinigurado na ang mga pasabog

Direktor na rin ng pelikula si Paul Basinillo dahil siya ang mamamahala sa fantasy movie na pagbibidahan ng isang sikat na aktres.

Tumanggi si Paul na sabihin ang name ng aktres na makakatrabaho niya hangga’t hindi nagsisimula ang shooting nila ng pelikula na project ng Epik Studios.

Si Paul ang head ng Epik Studios at pamilyar sa concertgoers ang pangalan niya dahil siya ang favorite concert director nina Sarah Geronimo, James Reid at Nadine Lustre.

Si Paul ang direktor ng AnneKulit: Promise Last Na ‘To, ang 21st anniversary concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum sa August 18.

Nag-promise si Paul na magugustuhan ng fans ni Anne ang final concert ng aktres na igi-give up na ang pagkanta para mag-concentrate sa kanyang acting at hosting career.

Si Paul ang nagbalita na malapit nang magsimula ang shooting ni James Reid para sa Pedro Penduko at next year naman ang filming ng Osyana, ang fantasy movie na pagbibidahan ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Ang Epik Studios ang producer ng Pedro Penduko at Osyana.

Malalaking pelikula ang balak na gawin ng film company na pinumumunuan ni Paul. Sa maniwala kayo o hindi, nakaplano na hanggang 2028 ang mga movie project ng Epik Studios.

Magka-loveteam na-master na ang plastikan

Hindi halata na nagpaplastikan ang loveteam na imbyerna sa isa’t-isa dahil natapos na ang relasyon nila.

Kinausap na ang loveteam na umayos sila or else, ibibigay sa ibang pareha ang mga project na para sa kanila kapag ipinagpatuloy nila ang bangayan.

Afraid ang loveteam na mawalan ng mga project at career kaya mabigat man sa kalooban nila, nagpapanggap sila na friends, alang-alang sa fans at higit sa lahat, sa kanilang mga personal na interes.

Actually, nakakaawa ang loveteam dahil hindi madali na mag-pretend na walang problema sa relasyon nila. Hindi sila puwedeng sumuway sa ipinag-uutos ng mga nagpapatakbo sa career nila dahil sa kontrata na kanilang pinirmahan.

vuukle comment

JAMES REID

SARAH GERONIMO

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with