^

Pang Movies

Alden Masaya para kina Coco and Maine

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Alden Masaya para kina Coco and Maine
Maine Mendoza at Coco Martin

Personal na binati ni Alden ng congratulations si Maine Mendoza dahil sa pagkakasama nga nito sa pelikula nina Coco Martin at Vic Sotto para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na Popoy En Jack: The Puliscredibles, kung saan gaganap siya bilang leading lady.

Nagkikita pa rin ang dalawa araw-araw dahil mainstay pa rin sila sa Eat Bulaga.

Ayon kay Alden, he looks forward daw to do a movie kasama si Maine next year.

Samantala, narinig namin na ang timeslot daw ng Victor Magtanggol ay itatapat sa timeslot ng FPJ’s Ang Pro­binsyano na pinagbibidahan ni Coco. Totoo nga kaya?

Al at Eric pahinga muna sa pagdidirek

Proud na proud si Direk Dominic Zapata dahil nasa cast niya ng Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards ang dalawang magagaling na direktor sa TV at pelikula, sina Al Tantay at Eric Quizon.

Si Al ay gumaganap na tatay ni Alden habang si Eric naman ay gumaganap bilang isang ganid na pulitiko na handang gawin ang lahat para lang masira ang buhay ni Victor.

Parehong magaling na aktor sina Al at Eric.

Si Al ay tampok sa still showing pa rin na pelikula ng Star Cinema, ang I Love You Hater ng JoshLia at Kris Aquino.

Ididirek din niya ang pelikula nina Robin Padilla at Manny Pacquiao at siya rin daw ang magpo-produce nito.

Si Eric naman ay may dinirek na pelikula under Regal Entertainment, ang My Two Mommies.

Ganunpaman, nami-miss daw ni Eric ang pagharap sa camera kaya napagdesisyunan niyang gumanap bilang kontrabida kay Alden sa VM.

Meron din siyang pinatatakbong coffee shop kung saan co-owner siya, somewhere in Greenbelt, Makati.

Almira napaaral ang mga anak sa pagmi-make up

Ang half-sister ni Aga Muhlach na si Almira Muhlach na matagal nang hiwalay sa asawa niyang si Bong Alvarez ay umiiwas nang pag-usapan o sabihin kung bakit at ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, sa halip ay sinabi na lang niya na may magandang rason kung bakit kailangang maghiwalay ng mga dating nagmamahalan.

Samantala, hindi raw niya puwedeng sabihin o idetalye ang mga role na gina­gampanan nina Yam Concepcion at Yen Santos sa serye nilang malapit nang umere sa ABS-CBN, ang Halik.

Gaganapan nina Yen at Yam ang pagiging asawa kina Jericho Rosales at Sam Milby.

Unfortunately, mukhang hindi mapipigilan nina Yen at Yam ang kanilang mga damdamin kahit na sila ay kasal na.

Bakit?

Malalaman din yan ng mga viewers kapag pinanood nila ang seryeng ito..

Samantala, nang mag-failed daw ang marriage nina Almira at Bong, since ‘di naman daw siya malaking artista noon nang mag-quit siya sa showbiz, hindi siya nagkaroon ng mga offer sa TV o pelikula. Kaya para masustentuhan niya ang kanyang sarili at mga anak, kumuha siya ng kursong may kinalaman sa pagmi-make-up.

Pinatunayan niyang isa siyang magaling na make-up artist dahil na rin sa rami ng kanyang mga kliyente, mapa-commercial man o ramp model, at lately mga artista na rin.

Ang propesyon niyang ito ang nakatulong sa kanya para makasama sa cast ng ilang series ng Kapamilya tulad nga nitong Halik.

Dinirek ito ni Direk Ruel S. Bayani kasama sina Cathy Amarillo at Carlo Po Artillaga.

Ang mga anak ni Almira ay nag-aaral nang mabuti, at ang isa nga sa kanila ay graduate na ng kolehiyo at nagtatrabaho na.

Ang isa naman ay kumukuha ng kursong medisina.

Another one is taking up medicine.

As Almira said: “God is good.”

vuukle comment

COCO MARTIN

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with