^

Pang Movies

Julia at Shaina nagkaayos na!

Pang-masa
Julia at Shaina nagkaayos na!
Julia Montes at Shaina Magdayao

MANILA, Philippines — Nanaig na ang dugong nananalaytay sa magka­patid na sina Ana (Julia Montes) at Samantha (Shaina Magdayao) ngayong isinantabi na nila ang kanilang galit upang lumabas ang katotohanan sa pagkamatay ng kanilang magulang sa Asintado.

Nakipagtulungan na nga si Samantha kay Ana matapos malamang si Salvador (Nonie Buencamino) ang utak sa pagkawala ng kanilang pamilya at magkasama na silang nag-iimbestiga upang isiwalat ang lahat ng krimen ng kanilang kalaban.

Ngunit agad din silang humarap sa bingit ng kamatayan nang pasabugin ni Miranda (Lorna Tolentino), ang kalaguyo ni Salvador, ang kotseng kanilang sinasakyan na naglagay naman kay Ana sa peligro. Lubos naman nitong pinalambot ang puso ni Samantha sa takot na muling mawala sa piling niya ang kapatid.

Sa kabila naman ng pagkakasundo nila, nananatili pa rin ang posibilidad na muli silang magkasira ngayong lumalalim na rin ang relasyon nina Ana at Gael (Paulo Avelino). Magiging mas mahirap din para kay Xander (Aljur Abrenica) ang kanilang misyon dahil na rin sa patuloy na paglayo ng puso ni Ana sa kanya.

Hanggang saan nga ba magsasakripisyo sina Ana at Samantha para sa kanilang misyon?

Panoorin ang maaaksyong kaganapan sa Asintado tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

vuukle comment

JULIA MONTES

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with