^

Pang Movies

Claudine ginanahan na uling magpaganda!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Claudine ginanahan na uling magpaganda!
Claudine Barretto

Nakakasa na ang comeback movie ni Claudine Barretto. Pinost ni direk Perci Intalan sa kanyang Instagram kasama si Boss Vic del Rosario ng Viva, Claudine at ang magdidirek ng pelikula na si Sigrid Bernardo.

Mabuti na lang, si Sigrid ang director ng pelikula at hindi si Jun Lana, huh! As we all know, dalawa ang pelikulang ginagawa ngayon ni Lana. Una, ‘yung The Nurse at ang Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi nina Sue Ramirez at Jameson Blake.

‘Yun nga lang, may delays na naganap sa dalawa niyang movies dahil sa schedules ng mga artista.

Anyway, in fairness kay Claudine, looking good ang dating niya ayon kay Angeli Valenciano.

Bea gamit pa more raw kay? Alden

Naglabas na naman si Bea Binene ng pumpon ng red roses sa kanyang Instagram. Ang caption nito ay, “Blessed and contented.”

Binanatan muli ng bashers at haters niya ang Kapuso actress tulad nu’ng huli niyang pagpu-post din ng bulaklak na walang sender na nakalagay. Nagpa­liwanag na si Bea sa kanyang Twitter na hindi galing kay Alden (Richards) ang bulaklak.

Hindi naniwala siyempre ang ibang netizens na nagkomento sa post niya.

Ayon kay @gracedimaano02, gaya ni Juancho Trivino na nakadikit daw kay Maine (Mendoza), dumidikit din si Bea kay Alden para mapag-usapan lalo na’t coming GMA series ang young actress.

‘Yung fan naman ni Bea kilig na kilig sa post ng kanilang idolo at nagsabing bagay rin sila ni Alden.

Hindi naman nag-iisa si Bea sa mga artistang kinukuyog kapag nali-link either kay Alden o Maine, huh!

Solenn at Rhian nagpapatalbugan ng singit!

Kabugan sina Rhina Ramos at Solenn Heussaff sa paglantad ng kanilang alindog habang nagti-ta­ping sa program nilang Taste Buddies.

Kapwa rin matapang ang dalawa na magpakita ng kanilang singit at kuyukot kapag either na beach sila o swimming pool, huh!

Mabuti na lang, nag-ending na ang character ni Sos sa The One That Got Away na malapit nang magtapos kaya solong-solo ni Rhian ang paglalandi sa screen, huh!

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with