^

Pang Movies

Sarah dinadaan na lang sa biro ang pagiging ‘empty!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah dinadaan na lang sa biro ang pagiging �empty!
Sarah

Balik na sa dating sigla si Sarah Geronimo sa video na lumutang kahapon na kuha mula sa kanyang Chicago concert.

Sa nasabing vid ay pareho pa rin ang suot ni Popstar Princess nung time na nag-breakdown siya pero this time ay masaya na siya at positibo na ang mga sinasabi.

Sa video ay nagpaliwanag si Sarah kung bakit siya umiyak sa Las Vegas concert.

“Last time po naging emotional ako kasi nag-panic po ako. Walang tulog tapos parang nawawala yung boses ko. “Diyos ko po Lord,” sabi ko,” ang sey ni Sarah na tumatawa pa.

“And then naalala ko siyempre ‘yung journey ko, ‘yung humble beginnings namin, pinagdaanan, at saka siyempre lahat po tayo may battles sa buhay. Siguro, nagpatung-patong na po,” patuloy pa ng Popstar Royalty.

Nagawa na nga ring magbiro ni Sarah sa nangyari last time by saying, “pero wala pong iyakan ngayon, bawal, panget. Manyu-news tayo, eh. Naba-bash tayo masyado. Huwag pong ganu’n” habang nagtatawanan at nagsisigawan ang mga tao.

Sambit pa niya, akala raw siguro ng mga tao ay nag-iinarte siya na ibinigay na nga sa kanya ang mga tinatamasa ngayon eh nag-iinarte pa siya.

“Mawawala rin ‘to no? So hanggang meron, go lang, di ba? Ipon tayo. Trenta na,” natatawa pa niyang sabi.

Pero dugtong pa niya, that time raw talaga ay napatanong din siya.

“Sabi ko, kung meron akong ibang gagawin aside from perfroming, being an actress, concert-performer, mas magiging fulfiled kaya ako? Parang may hinahanap akong iba,” she said.

At this point ay nagsigawan ang ibang nanonood ng “Matteo!” at “mag-asawa ka na!” at nagtawanan.

Sey ni Sarah, “kayo ha, iba ho ‘yung topic ko, eh. Wag kayong ano. Dini-distract n’yo ako, eh. Tapos. . .Wag! ‘Wag ganu’n po, ayan nawala po tuloy ako” habang tawanan pa rin ang audience.

Kaya naman pati ang Popsters fans ni Sarah ay masaya na rin at tuluyan nang nawala ang pag-aalala para sa kanilang idolo.

Sharon consistent sa nararamdaman kay Gong Yoo!

Kaaliw naman itong si Sharon Cuneta na fangirling to the max sa South Korean actor na si Gong Yoo ng Goblin.

Imagine, nag-post lang siya ng kanyang manicured nails, aba’y si Gong Yoo pa rin ang nasa isip.

“I saw a video on YouTube in which ano­ther Gong Yoo fan said that Gong Yoo likes girls with NICE HANDS AND FEET, AND MANICURED! Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh! YON SURE AKO KAHIT YUN LANG MAPAPAGMALAKI KO BAKA 1 MILLION POINTS SHARON!!!!!!!!!!! Yippeeeeeee!!!! Ang kumontra iitakin ko! Hahaha JK!” ang caption ni Sharon.

Parang nakikita nga namin si Anne Curtis sa kanya noong time na bagu-bago pa lang itong fan ni Gong Yoo na wala na yatang nasa isip 24/7 kungdi ang nasabing aktor.

Siyempre, nakikita rin namin ang aming sarili sa kanya dahil ganyan din naman kami kabaliw kay Lee Seung Gi kaya sobrang naiintindihan namin siya. Hahaha!

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with