^

Pang Movies

Direk Carlo araw-araw nasa puntod ni Donna

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wala sa naganap na special screening ng Ang Panday, na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring nag-direk at nagprodyus nito for Star Cinema and Viva Films, ang director at producer ding si Carlo J. Caparas.

Si Direk Carlo na ti­naguriang Komiks King at proclaimed National Artist ay ang siyang may Komiks novel ng Ang Panday, na in-adapt into a movie ng hanggang ngayon ay kinikilalang King of Philippine Movies, the late Fernando Poe, Jr.

Gumawa rin ng kanilang versions sa pelikula ng Ang Panday sina former Senators Bong Revilla at Jing­goy Estrada.

In-adapt din ito sa serye nina Jericho Rosales at Richard Gutierrez.

Of Direk Carlo’s absence sa special screening ng Ang Panday, naging usapan na mula pala nang binawian ng buhay ang kanyang asawang si Donna Villa, nanatili na lang ito sa Cebu, kung saan nakalagak, ayon na rin sa kahilingan ni Donna, ang abo nito, sa tabi ng libi­ngan ng kanyang mga magulang.

Araw-araw daw na dinadalaw ni Direk Carlo ang libingan ni Donna.

Donna died January 17 of this year.

Of Donna, proven na hanggang sa kanyang tuluyang “pamamaalam” kung gaano ang pagpapahalaga niya sa entertainment press. At the time noong nakaraang taon, na nakatanggap pa rin ng mga regalong Pamasko ang mga colleagues natin, Salve A., (kasama tayo) naka-confined na pala siya sa ospital.

Biglaan daw ang pagkakasakit ni Donna, kuwento ng kanyang anak na si CJ sa isang interview. Ina­kala raw nila noong una na simpleng UTI (urinary tract infection), ito at biglang naging Myoma (in the dictionary described as a tumor consisting of muscle tissue).

Only for her attending doctor to discover, it was the Big C.

To you, Donna, wherever, you are, you are missed. We continue to pray for the repose of your soul.

McCoy at Elisse wala pang nahahanap na regalo sa isa’t isa

Samantala sa Ang Panday, dalawang beauty queens ang gumaganap na leading lady kay Coco, sina Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon at former Miss International Kylie Verzosa.

Ang ganda pareho ng exposure nila sa movie, bagama’t hindi gaanong mahaba.

Pumapapel na main kontrabida sa pelikula si Jake Cuenca. Gaganap naman na kunsintedor na ama niya si Michael de Mesa. Jake and Michael are both in the cast, too, of the top afternoon series, Ikaw Lang Ang Iibigin.

Featured din sa movie ang loveteam nina McCoy de Leon at Elisse Joson na napapanood din sa seryeng The Good Son. Balitang may gagawin ding pelikula ang McLisse.

By the way, natanong namin ang dalawa kung ano ang regalo nila sa isa’t isa ngayong Christmas, both said, wala pa. Pero, tiyak daw na magkasama silang mag-a-attend ng church service sa Christmas eve.

Kinabukasan daw, sasamahan ni McCoy ang kanyang ina na dalawin ang kanyang favorite na si Saint Pio de Pietrelcina, sa simbahan nito sa Eastwood, Quezon City.

Elisse will, most-likely spend the rest of Christmas day with her mom. Only child lang si Elisse ng kanyang inang doktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with