Daniel wala pang mahanap na mapapangasawa
Masaya si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando nang makapanayam namin sa isang Korean restaurant sa Tomas Morato.
Pagkaraan daw ng almost 25 years ay napanalunan na niya ang Best Supporting Actor sa PMPC dahil sa kanyang makatotohanang acting sa Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
Sa kasalukuyan, lahat halos ng hinihiling niya ay abot-kamay na niya maliban daw sa pangarap na matagpuan ang babaeng mamahalin habang buhay.
Magbuhat daw kasi noong ma-in love siya for seven years sa isang girl ay hindi na siya umibig. Ayaw daw ng parents ng dalaga dahil artista lang siya.
Nabanggit tuloy ni Daniel na kapag nananalo siya sa pagtakbo bilang governor sa Bulacan ay mag-aasawa na siya. Tatakbong gov si Daniel na may basbas na ng kasalukuyang Bulacan governor Willy Alvarado.
Anyway, may hinanakit pala siya sa Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT). Itinatanong niya kung bakit daw pinayagan ng grupo na kalabanin siya ni Phillip Salvador bilang vice governor noon.
Amay kinamumuhian
Kahit komedyante at vice president ng KAPPT si Amay Bisaya ay marami pa rin ang namumuhi sa kanyang ginawa na isuplong sa isang kampo ang kuta ng mga rebeldeng sina Lito Lapid at Coco Martin.
Magandang si Amay ang inilagay sa naturang papel dahil naging balanse ang casting ng FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi kasi maganda kung isang ‘the who’ lang ang mabibigyan ng importanteng papel dahil hindi pabor o satisfied ang manonood.
- Latest