^

Pang Movies

John Lloyd sawa na sa pa-tweetums, hindi na tinatablan ng bashing!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

OA ang mga reaksyon ng madlang-bayan tungkol sa art work na naka-post sa Instagram account ni John Lloyd Cruz na dedma lang at hindi affected ng ha­ters at bashers niya.

Simple lang naman ang solusyon, kung hindi ma-take ng followers ni John Lloyd ang mga post nito sa social media, i-unfollow nila ang aktor.

Huwag na nilang pahirapan ang kanilang mga sarili ‘no! In the first place, hindi naman nagmakaawa si John Lloyd na i-follow nila.

Obvious naman na dumating na si John Lloyd sa punto ng kanyang buhay na ayaw na niya na i-please ang mga tao.

“What you see is what you get” na ang drama niya. Sawa na siya sa pagpapa-tweetums kaya dedma na si John Lloyd sa mga bashing na natatanggap.

Paglipat ni Atom ‘di na ikinagulat

Hindi surprising ang pag-oober da bakod ni Atom Araullo sa GMA 7.

Nang mag-babu si Atom sa Umagang Kay Ganda with matching tears, alam ko agad na may pupuntahan siya na ibang network at GMA 7 ‘yon.

Marami ang nangangarap na ma­ging talent ng ABS-CBN at mapunta sa posisyon ni Atom.

Para umalis si Atom sa Kapamilya Network, sure na lilipat siya at hindi magpapalit ng career o mangi­ngibang-bansa.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa paglipat ni Atom sa Kapuso Network dahil ilang oras matapos mag-babu sa Umagang Kay Ganda, na-sight na siya sa GMA Network building.

Xander kinontrata na ng GMA!

Pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center ang Korean actor na si Alexander Lee.

Ang pagpirma ni Alexander ng kontrata sa talent management agency ng GMA 7 ang proof na seryoso siya sa kanyang desisyon na manatili sa Pilipinas para ipagpatuloy ang showbiz career niya.

Kapag sumikat nang todo sa Pilipinas ang leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya, pu­wede nang ipagmalaki ni Alexan­der sa mga kababayan niya sa South Korea na may career siya sa bansa natin.

Ganyan ang nangyari kay Sandara Park. Ang pagkakaiba lang, naging artista muna si Sandara sa Pilipinas bago niya sinubukan ang kapalaran sa South Korea.

Nang maka-penetrate si Sandara sa entertainment industry ng South Korea, nadagdagan ang popularity niya dahil nalaman ng Koreans na sumikat siya sa Pilipinas bilang artista.

Malay natin, baka matulad kay Sandara ang kapalaran ng showbiz career ni Alexander na magi­ging sikat din na artista sa South Korea kapag naging famous na famous siya sa Pilipinas.

May footballer na dyowa, Ariella ‘ligtas’ na kay Willie

Member ng Azkals ang boyfriend ng ex-beauty queen na si Ariella Arida, ang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin.

More than two years na ang relasyon ni Ariella sa Azkals member na si Simone Rota.

Boyfriend na ni Ariella si Simone nang ipakilala siya bilang celebrity endorser ng Cosmo Skin. Inamin lang ni Ariella na may dyowa na siya pero hindi niya binanggit ang name ng mhin.

Ang pagkakaroon ng boyfriend na walang kinalaman sa showbiz ang dahilan kaya napakadali para kay Ariella na i-deny ang tsismis na nililigawan siya ni Willie.

Madalas na biktima ng fake news si Willie dahil lahat na lang ng mga female co-host at dancers ng Wowowin, inili-link sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with