^

Pang Movies

Marian nagsalita sa pagseselos, umamin sa ‘pagsugod’ sa taping

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian nagsalita sa pagseselos, umamin sa �pagsugod� sa taping

Ma­rian Rivera-Dantes

Eksakto sa hilig ni Kapuso Primetime Queen Ma­rian Rivera-Dantes na bulaklak ang backdrop niya sa Makati Diamonds Residences sa launch ng tatlong bagong variants ng ini-endorse niyang Hana Shampoo from Japan, ang Spring Flowers & Apples Scent, Garden Blooms & Lychees Scent at ang pinakagusto niya na Pink Roses & Berries Scent.

“At iyon din ang gustung-gustong scent ng asawa ko, iba kasi ang scent niya,” kuwento ni Marian. “At masaya ako dahil for three years, hindi ako kinalimutan ng Hana, na dalaga pa ako ay ako na ang endorser nila hanggang sa ngayon na may Baby Zia na ako. Kaya thankful ako sa kanila.”

Sumagot naman ang taga-Hana na hindi nila nakakalimutan si Marian dahil very effective endorser ito, bukod pa sa napaka-cooperative raw ni Marian na mag-promote. 

Dahil may taping ang asawang si Dingdong ng Alyas Robin Hood 2, kasama muli ni Marian si Zia, na nakuha raw sa kanya ang sobrang lambing ng bagets.

“Nata-touch ako kapag dumating ako sa bahay mula sa maghapong work, parang nararamdaman niya na pagod ako, sasabihin niya ‘mama, love’ at yayakapin niya ako nang mahigpit, isa pang paglalambing niya, dahil bini-breastfeed ko pa rin siya, kapag dumating ako, kahit busog siya, minsan sasabihin niya, ‘mama, dede’.”

Kaya si Marian na ang nagsabi na after ng ginagawa niyang teleserye na Super Ma’am, nagsabi na raw siya sa GMA at sa kanyang agency, ang Triple A, na gusto na niyang sundan si Zia.

“Pangarap kasi namin ni Dong ng five children, kaya kailangang paghandaan na namin iyon, hindi na ako bumabata, 33 na ako noong birthday ko, kaya parang dapat magawa na namin ang four babies pa, six nga ang gusto namin, pero baka hindi na ka­yanin, pero kung ipagkakaloob ni Lord, bakit hindi. At kung ano ang ibinigay kong pag-aalaga kay Zia, ibibigay kong lahat iyon sa mga magiging kapatid niya.  Kahit kasi si Zia, humihingi na rin ng baby brother.”

May mga nagtanong pa rin kay Ma­rian tungkol sa mga selos issues daw niya, pero ayaw na niyang palakihin iyon: “No! Definitely hindi ako nagseselos, masama ba kung dumalaw kami ni Zia sa taping ni Dong para dalhan siya ng pagkain at para makita rin si Zia ng tatay niya? Wala kaming problema ni Dong, na ano pa ba ang mahihiling ko sa aking asawa, bukod sa mabait na, nagtitiwala ako sa kanya. Alam kong kami lamang ni Zia ang mahal niya.”

EA masayang nakabalik sa unang tahanan

Masaya si Edgar Allan Guzman nang mapasama siya sa My Korean Jagiya katambal si Heart Evangelista sa GMA 7 dahil after daw ng ilang taon na niya sa television, ngayon lamang siya nagkaroon ng show sa primetime.

“First big project ko po ito sa big network at primetime pa, kaya hindi na kami nagdalawang-isip na tanggapin ito ng manager ko, si boss Noel (Ferrer). Ako naman po kung saan may trabaho. Dito po naman din ako nang-start, nang manalo ako sa Mr. Pogi,” kwento ni EA. 

“Kaya parang pagbabalik ko ito sa Kapuso Network. 

“Dapat nga po kinukuha na nila ako sa Impostora pero may show pa ako sa kabila nun. Sa Monday, August 21, mapapanood na ang My Korean Jagiya,” pag-iimbita ni EA sa fans.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with