^

Pang Movies

Bela tinapos na ang ‘relasyon’ kay Zanjoe!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Bela tinapos na ang �relasyon� kay Zanjoe!

Bela Padilla

Don’t look now, pero, kusang iiwas daw munang umibig muli si Bela Padilla.

Obviously, paraan niya ito para idenay na nagkakamabutihan sila ni Zanjoe Marudo, ang kanyang leading man sa katatapos na much-loved series na My Dear Heart.

Lately kasi, whispers went around na madalas makita silang magkasama ni Zanjoe sa ilang pribadong lugar sa Metro Manila.

Looking at Bela, yes, these days, wa­ring na-overcome na niya ang sakit na kanyang naramdaman nang sila ay maghiwalay ng kanyang ex na movie producer at businessman na si Neil Arce.

Kasalukuyang nali-link naman si Neil kay Angel Locsin.

What is foremost in Bela’s mind at the moment, bukod, sa paghihintay sa panibagong pelikula o TV assignment, is to cook up and write stories na puwedeng gawing pelikula o TV series, tulad ng Camp Sawi at Luck at First Sight.

Plano niya ring mag-assist kay Direk Dan Villegas, habang nagdidirek ito ng pelikula o kaya ng TV shows.

In time, hope ni Bela na makapag-direk ng project for TV or the movies.

Well, good luck, Bela.

La Luna namamayagpag

Grinning from ear-to-ear ang mga taga-Star Creatives, headed by Star Cinema managing director Malou Santos, na siyang nasa likod ng production ng kasisimulang series na La Luna Sangre.

More than 30% something daw ang nakuhang ratings ng teleserye, sa first day airing nitong Monday. To think daw na ang mga eksenang ipinakita ay ‘di pa kasama ang itinuturing na premiere love team ng showbiz na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“At hindi lang ‘yan,” sabi ng isang insider sa Star Creatives. “marami kaagad ang impressed sa takbo ng series.

“Na, kung sabagay, ‘di kataka-taka, since ang director nga ng La Luna Sangre ay si Cathy Garcia Molina.”

Well.

Enrique nababawasan na ang taba

Bukod pala sa pagbibida niya sa Darna, may gagawin pang series si Liza Soberano kasama ang kanyang favorite leading man na si Enrique Gil.

But how true, na si Enrique rin ang makakapareha niya sa Darna?

Samantala, patuloy ang pagwu-workout ni Liza, in preparation for the filming of Darna, where she needs to be truly fit and trim. Kasama raw ni Liza si Enrique sa kanyang workouts, kaya, medyo slim na rin si Enrique, which also becomes him.

Ryza mas wagi sa lovelife

At 29 turning 30 soon, well, in December, that is, Ryza Cenon may have realized na time may be running out on her, where her showbiz career is concerned.

Imagine nga naman, 12 years na siya bilang talent ng GMA, yet, ngayon lang masasabing nagkaron siya ng role na maipagmamalaki niya, bilang si Georgia sa series na Ika-6 na Utos.

No wonder, her decision to sign up with Viva Artist Center, when her contract as a Kapuso talent expired.

Umaasa si Ryza na matutulungan siya ng Viva Artist na makagawa ng pelikula and at the same time, makakuha ng endorsements.

Where her love life is concerned, sa aspetong ito feeling ni Ryza siya panalo. Going strong ang relasyon niya with Cholo Barreto, na pamangkin nina Claudine and Gretchen Barreto.

Sister nina Claudine at Gretchen ang mother ni Cholo na si Michelle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with