^

Pang Movies

Marian kalahating milyon ang budget sa wedding gown ni AiAi!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marian kalahating milyon ang budget sa wedding gown ni AiAi!

AiAi delas Alas

Sa December 12 ang altar date ni AiAi delas Alas at ng kanyang fiancé na si Gerald Sibayan. Ninang ako sa kasal ng mag-dyowa pero hindi ko pa alam ang buong detalye. Hindi pa sinasabi sa akin ni AiAi ang simbahan na pagdarausan ng pag-iisang dibdib nila ni Gerald pero sure na magaganap ito sa Catholic Church.

Hindi ko pa rin knows ang names ng mga magiging kumpare at kumare ko pero sure ako na si Marian Rivera ang magbabayad sa wedding gown ni AiAi bilang wedding gift niya. Ang alam ko, hindi lalampas sa P500, 000 ang budget ni Marian para sa wedding gown ng kanyang BFF. Sosyal di ba?

Siyempre, mauuna ang church wedding nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu dahil sa July 23 na ang pag-iisang dibdib nila.

Ninang din ako sa kasal nina Alfred at Yasmine pero wah ko knows ang ibang mga wedding sponsor. Ang sabi ni Alfred, ilalabas nila sa July ang kumpletong listahan ng wedding entourage.

Kung tama ang narinig ko, ninang sa kasal nina Alfred at Yasmine si Kris Aquino. Magkikita uli kami ni Kris sa simbahan tulad nang magkita kami sa church wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Pangarap ng isang babae ang makapagmartsa patungo sa altar pero hindi pa ito nararanasan ni Kris dahil ikinasal sila ni James Yap sa sala ng bahay ni Boy Abunda, somewhere in Quezon City.

Kapag nagkita kami ni Kris sa Manila Cathedral, baka i-remind ko uli sa kanya ang living room wedding nila ni James. Ang Manila Cathedral ang venue ng church wedding nina Yasmine at Alfred.

Alfred at misis nagpapayat ng husto para sa kasal

Si Cary Santiago ang gumawa ng wedding gown ni Yasmine.

Subok na ang husay ni Cary bilang fashion designer kaya sure ako na magandang-maganda si Yasmine sa araw ng kasal nila ni Alfred.

Pinaghahandaan na mabuti ni Yasmine ang pagmamartsa niya sa altar. Nag-enroll siya sa gym at kontrolado ang pagkain niya. Bawal na bawal kay Yasmine ang magbuntis dahil nagsalita ito na magagalit siya kay Alfred kapag lumobo ang tiyan niya bago sumapit ang July 23.

Flower girls sa church wedding nina Alfred at Yasmine ang kanilang mga anak na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra.

Kung mabubuntis uli si Yasmine, baby boy naman sana dahil dalawang babae na ang anak nila ni Alfred.

Hindi muna tatanggap si Alfred ng mga television assignment habang hindi pa nagaganap ang church wedding nila ni Yasmine.

Halos isang buwan na lang ang ipaghihintay ni Alfred na naka-focus ngayon sa wedding preparations nila ni Yasmine.

Gaya ng misis niya, nagpapapayat din si Alfred para physically fit siya sa July 23. Araw ng Linggo ang petsa na pinili ni Alfred para hindi maging biktima ng traffic sa Metro Manila ang invited guests nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with