^

Pang Movies

Young actress aliw na aliw ‘pag kausap ang sarili!

SO... CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi kataka-taka na walang masyadong kaibigan ang young actress na ito dahil sa kakaibang gawain.

Hilig daw kausapin ng young actress ang kanyang sarili at ito ang ikinatatakot ng maraming kasamahan niya. Minsan daw ang lakas pa nitong magsalita kahit wala itong kausap.

“Akala nga ng mga kasama niya, nagme-memorize ng mga linya niya para sa next take niya. Pero napag-alaman nila na tapos na pala siya at wala na raw siyang dalang script. So ano yun?” pagtataka ng source namin.

Napag-alaman ng aming source na noon pa raw ay sanay nang kausapin ng young actress ang kanyang sarili.

Lumaki raw kasi itong malayo sa kanyang na magulang at nasanay nang nag-iisa. Kaya na-develop na nitong kausapin ang sarili para malibang siya.

“Kawawa naman. Kasi nga kung kani-kaninong kamag-anak pala lumaki yan dahil naghiwalay ang parents niya. Kaya si young actress, nagkaroon ng inferiority complex. Wala siyang naging kaibigan at sarili lang niya ang naging aliwan niya,” research pa ng source namin.

Kaya nga unti-unti nga raw na gumagawa ng paraan ang mga kasama ni young actress sa show na isama siya sa mga kuwentuhan nila para raw masanay na may ibang tao sa paligid niya.

“Acceptance lang siguro ang kailangan ng young actress na ‘yan. Kulang lang sa atensyon mula sa mga taong dapat nag-aaruga sa kanya.

“Pinagbilinan nga ang mga kasama ni young actress na huwag nila itong iiwan na mag-isa dahil doon daw nagsisimula na chikahin ni young actress ang sarili niya.

“Mainam na ‘yung may nakakausap ito para hindi ang sarili niya ang ineechos niya,” pagtatapos ng aming source.

Carla ayos na ang pamamaga ng tuhod

Nagiging okey na raw ang mga tuhod ng Kapuso leading lady na si Carla Abellana pagkatapos nitong dumaan sa masidhing therapy.

Noong nakaraang buwan ay na-diagnose si Carla na may Chondromalacia Patellae o ang pamamaga ng mga ugat niya sa tuhod.

Masyado raw kasing nabugbog ang mga tuhod ni Carla noong nagsimula siyang mag-training at mag-taping para sa Mulawin vs. Ravena.

Dahil sa weekly therapy ay nawala na raw ang sakit sa mga tuhod niya, pero kailangan daw ipagpatuloy niya ang therapy para siguradong hindi na babalik ang pananakit ng mga ito.

“Malaking tulong ‘yung therapy. Nawala na ‘yung sakit ng mga tuhod ko. Pero I have to still go through it on a weekly basis.

“Mabuti na lang, pahinga muna ako sa taping ng Mulawin vs. Ravena. Nakatulong din ‘yung hindi pa ako nagte-taping for that para mapahinga ako.

“Tsaka I taped I Heart Davao for almost three weeks sa Davao, kaya hindi ako masyadong napagod.

“Pero babalik pa rin sa Aviona dahil kailangan makita na niya ang anak niyang si Anya (Bea Binene) na dalaga na,” paniguro ni Carla.

Beyoncé hindi pa inaamin ang panganganak ng kambal

Pahulaan pa rin kung iniluwal na ba ng pop superstar na si Beyoncé Knowles ang kambal nila ng mister niyang si Jay Z.

Noong nakaraang Martes ay namataan si Jay Z na palabas ng Beverly Hills mansion nila ni Beyoncé dahil balitang in labour na raw ang singer na naka-check in na sa isang ospital sa Los Angeles.

Kapansin-pansin na maraming security sa isang Los Angeles hospital sa may Westwood at malamang na nandoon si Beyoncé.

Marami nang fans ni Beyoncé ang nag-tweet at hinihintay ang paglabas ng twin boy and girl ng mag-asawa.

May isang photographer naman ang nakakita sa isang security staff na may bitbit na dalawang baby car seats papasok ng naturang ospital.

May isang fan na nga ang nag-confirm nang panganganak ni Beyonce dahil may connection ito sa isang OB na nagtatrabaho sa naturang ospital.

“You heard it here first. A friend of a friend who is an OB @ Beyonce’s hospital tells me she had her twins, a boy and a girl,” tweet pa ng fan.

Pero hanggang wala pang official na statement mula sa mag-asawang Beyoncé at Jay Z, hindi makukumpirma kung ipinanganak na ba ang pinakaabang na kambal nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with