^

Pang Movies

Billy at Coleen sa summer na ang kasal!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tuloy na tuloy na talaga ang kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia next year. Rebelasyon ng aktres sa kanyang latest interview, summer of next year daw ito magaganap pero wala pang date.

Say pa ng isa sa main cast ng Ikaw Lang ang IIbigin, excited na raw siyang maging misis ni Billy at sa bagong yugto ng buhay nila na haharapin.

Napabalita na ngang nag-prenup shoot na sila nang magbakasyon sila sa Ethiopia last month.

Napag-usapan na rin nila ang guests sa wedding at ayon kay Coleen, siyempre ay malaking bahagi ang mga taga-showbiz dahil pareho silang nasa industriyang ito pati na ang mga kaibigan nila.

Samantala, masayang-masaya rin ang aktres sa mga positibong reviews at suporta ng manonood sa serye nila nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Jake Cuenca.

Dahil sa magagandang feedbacks ay mas lalo raw si­yang ginaganahang magtrabaho at mas lalo pang galingan.

Arjo hindi makalimutan ang ‘I love you’ ni Coco!

Sa kanyang panayam sa TV Patrol, inamin ni Arjo Atayde na masakit sa kanya ang pagkamatay ng kanyang karakter na si Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“It hurts a lot. A lot. But I’m just gonna move on from there. Sepanx (separation anxiety) to the max,” pahayag ni Arjo.

Pinanood din ng aktor ang kanyang last episode sa serye at inaming napaiyak siya talaga.

“I cried. Hindi ko kinaya. I’ve been working with these guys for two years. We were there since day 1. Immersion to day 1 of the pilot,” sey ni Arjo.

Sobrang minahal na raw niya ang kanyang karak­ter, “and it’s a journey, it’s been such a journey I’ll never forget,” aniya.

Masakit din daw sa kanya ang naging paalaman nila ng bidang si Coco Martin.

“It hurts as a brother. We had a personal talk about career. Siguro, the last message of Coco to me, I think, is of course, ‘I love you, man, thank you for being with me’.

Likewise ay nagpasalamat din siya kay Coco. “I owe him so much,” sambit pa ni Arjo.

Manager ni Liza pumiyok sa Darna

Nagbigay na ng pahayag ang isa sa managers ni Liza Soberano na si Ogie Diaz tungkol sa tsikang ang young actress na nga ang gaganap na Darna.

Sa radio program ng DZMM na Sakto kahapon kung saan ay natanong si Ogie tungkol dito, aniya ay ayaw daw niyang pangunahan ang Star Cine­ma.

“Sa totoo lang, isa lang ang sinasabi ko, hintayin nating mag-announce ang Star Cinema, ayaw ko pong umepal. Ayaw ko sa akin manggaling kung ano ang desisyon nila, kung si Liza ba o ibang aktres ang gaganap na Darna,” pahayag ni Ogie.

Tinanong na  nga rin daw niya ang Star Cinema kung bakit hindi pa ina-announce kung sino ba talaga si Darna, at ang sagot daw ng management ay iaanunsyo rin nila ito at maghintay na lang.

Kung si Liza ang tatanungin, siyempre ay gusto raw nitong gumanap na Darna.

“Oo, gustong-gusto ni Liza maging Darna. Totoo ‘yan, totoo ‘yan. Siyempre sino ba naman ang ayaw maging Darna. Kahit nga Captain Barbell siguro mae-excite si Liza,” natatawang sabi pa ni Ogie.

Kaya hintayin na lang daw ang announcement dahil baka raw siya pa ang pagprodyusin ng Star Cinema ng Darna kapag nanguna pa siya sa paga-announce.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with