^

Pang Movies

Aktor na si Gardo Versoza nabagok ang ulo sa taping

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagkaroon ng freak accident si Gardo Versoza sa taping ng teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours. Naganap ito sa location nila sa Blanco Family Museum sa Angono, Rizal noong Monday evening.

Ang eksena, may confrontation scene si Gardo as Teddy, ama ni Sinag (Maine) at si Lolo Vicente (Tommy Abuel) na lolo ni Alden as Benjie.

Kita ng mga nasa taping ang nangyari nang sa pag-atras daw ni Teddy (Gardo), na-off-balance ito at bumagsak sa sahig, tumama ang ulo.

Conscious daw naman si Gardo nang dalhin agad sa hospital.

Si Gardo na rin ang nag-post sa kanyang Instagram account na: “Humampas po nang bonggang-bongga ang ulo ko sa sahig sa eksena namin ni Vicente kaya ayun, akala ko, basag bungo ko cupcake, nagdilim ang paningin ko.

“Aksidente po cupcake, nadala naman po ako agad sa ospital at awa ng Diyos wala namang crack sa skull... cguro kasalanan ko rin kse im always intense and i always give my 101%.  Pinagtatapon po kse ni Vicente mga obra ko cupcake kaya ko siya sinugod.”

Dagdag pang biro ni Gardo para siguro hindi mag-worry ang mga DTBY fans na nag-comment ng “get well soon,” “ingat kayo cupcake,” muli siyang nagpost sa IG niya ng “had a very bad fall, slammed my head, literally VERSOZA ON THE FLOOR.  Thank you LORD, no crack in d skull, thanks cupcakes.”  (Business ni Gardo ang paggawa ng masasarap na cupcakes kaya iyon ang tawag niya sa lahat ng mga friends niya).

Jennylyn pinahirapan si Gil

May teaser na ang GMA 7 para sa coming new romantic-comedy series nilang My Love From The Star na Pinoy adaptation ng Koreanovela na nagtatampok kina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. 

Si Gil ay isang Filipino-Spanish model and actor, managed by GMA Artist Center at Cornerstone Madalas siyang mag-model sa Hong Kong, kaya nang mapili siyang gaganap sa role ni Matteo Do, umuwi muna siya rito para pumirma ng contract sa GMA Artist Center.

Marami nang nakunang eksena sina Jennylyn at Gil at nakasama na rin niya ang mahuhusay na artista, tulad nina Gabby Eigenmann at Rhian Ramos. Pero ayon kay Gil ay nahirapan siyang mag-concentrate kay Jennylyn.

“Pero kay Jen ako talaga nahirapan,” sabi ni Gil. “Effortless kasi ang pagganap niya sa role niya as Steffi, kaya nahihirapan akong magpigil sa pagtawa.  Madalas akong ma-out of character dahil sa magaling siyang magpatawa, ako pa naman as Matteo Do ay seryoso ang character.  Pero salamat din kay Jen, sa mga advices niya, natutunan ko na rin ang technique sa pagpipigil ng pagtawa.”

Malapit nang mapanood ang My Love From The Star na dinidirek ni Bb. Joyce Bernal.

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with