^

Pang Movies

Walang paki sa kambal, Pia baliw na baliw kay marlon!

SO... CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mukhang hindi na iniinda ni former Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga nagdaang kontro­bersya tungkol sa boyfriend niyang si Marlon Stockinger.

Ilang beses na silang nagkitang magkasama, lalo na noong nakaraang birthday ni Marlon. Ngayon ay balik si Pia sa New York City para asikasuhin naman doon ang kanyang mga magiging trabaho.

Ang unang ginawa ni Pia ay isang photo shoot kasama ang reiging Miss Universe na si Iris Mittenaere of France at ang reigning Miss USA Deshauna Barber para sa spring collection gowns ng designer na si Sherri Hill at kinunan ng sikat na photographer na si Fadil Berisha.

Sa isang post ni Deshauna sa Instagram: “A sisterhood that keeps on growing. With @PiaWurtzbach and@MissUniverse for @sherrihill!”

Sa pagbalik nga raw ni Pia sa NYC, iniwan niya muna sa Pilipinas ang lahat ng mga intriga dahil wala raw lugar iyon sa mga gagawin niyang mga trabaho sa mga susunod na buwan.

   Hindi nag-deny ang aktor at komedyante na si Archie Alemania na malapit sa tunay na pagkatao niya ang babaero role niya sa GMA-7 dramedy na D’ Originals.

Hindi naman daw kaila sa lahat ang kanyang pagiging notorious na playboy noong araw.

“Ako talaga ‘yung super babaero na tanggap na nung asawa ko ‘yung pagiging babaero ko. My wife here is played by Kim Domingo.

“May comedy aspect sa D’ Originals. Hindi lang basta dramahan, makikita nila ‘yung light side ng buhay, matatawa ka sa sitwasyon, ‘yun ‘yung edge niya sa iba,” kuwento pa niya.

Isang Christian na si Archie, kaya lahat ng mga nagawa niyang hindi maganda ay binago na niya lahat, kasama na roon ang pagiging unfaithful sa kanyang partner.

“‘Yung Archie Alemania before, I’m a cheater talaga, I admit.

“Pero ngayon, hindi na, kasi why would you do it sa partner mo, bakit mo siya sasaktan ng ganoon kung ayaw mo rin namang gawin niya sa’yo ‘yon?

“Ngayon na Christian na ako, no talaga, kahit premarital sex,” diin pa niya.

Dahil sa malapit na si Archie sa Panginoon, may mensahe na siya ngayon sa mga lalaking nangangaliwa sa kanilang mga partners sa buhay.

“Message ko lang sa inyo, si God kasi is a just God.

“He will give you what’s due to you. If you cheat, siyempre may kapalit ‘yan, you won’t get the blessings na dapat para sa’yo.

“Para sa’kin lang, matakot ka sa Diyos,” pagtapos pa ni Archie.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with