^

Pang Movies

Alden at Maine sinugod ng fans sa US

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pagdating pa lamang nina Alden Richards at Maine Mendoza kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros para sa kanilang Kalye Serye sa US sa Los Angeles, California, last Saturday evening, grabe na ang fans na sumalubong at naghintay ng more than two hours bago sila nakita. 

Spring break at Holy Week daw kasi kaya puno lahat ng flights sa Los Angeles International Airport (LAX) kaya ang haba ng pila. Nang makalabas sila, hindi na rin napigilan ng malalaking Rogelio (bodyguards) ang sumugod na mga fans.  Resulta: may mga kalmot sa leeg at braso si Alden na pilit tinakpan si Maine nang magkagulo na ang mga tao at bago sila naihatid sa kanilang sasakyan.  First time iyon ni Maine na magkaroon ng show sa Amerika kaya naman dream come true sa mga AlDub fans doon ang promise ni Alden nang magkaroon siya ng show with other Kapuso stars sa LA noong January, 2017, na kasama na niya si Maine pagbalik niya. Noon din lumabas ang balitang sold out na ang concert tickets.

Hapon pa lamang, nakita na ang napakaraming taong pumila sa Pasadena Civic Auditorium. Marami sa kanila mga senior citizen na rin, the oldest, dalawang lola aged 88 years old. Binigyan daw sila ng bubbleheads nina Alden at Maine bilang gift.  Marami raw security na inilagay sa harap ng concert stage.

Nagsimula ang concert sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga eksenang nangyari sa kalye serye sa Eat Bulaga. Then solo numbers nina Jose, Wally at Paolo, bago silang nagsama-samang tatlo.  Pero nang lumabas na si Alden for his song and dance number na One Call Away, hindi na raw napigilan ang mga nasa VIP section na sumugod sa harap nang bumaba si Alden sa stage. Kinanta rin ni Alden ang paborito nilang song ni Maine, ang God Gave Me You. May solo number din si Maine bago sila tinanong ng host kung ano na nga ba ang real status ng kanilang relasyon kaya kinanta nila ang theme song ng Destined To Be Yours, ang Tadhana.

Grabe rin ang kilig nang fans nang finally ay natuloy ang kiss ni Alden kay Maine.  

Ayon sa mga nakapanood, ang husay-husay na raw nina Alden at Maine at pwede nang mag-big concert sila dito sa Pilipinas.

Pelikula ni Paolo ipapalabas sa Taiwan at Italy

Habang nagsu-show si Paolo Ballesteros sa USA, ang kanyang Die Beautiful ay pinapanood naman sa Golden Horse Fantastic Film Festival na kasalukuyang ginaganap sa Taipei in Taiwan at magtatapos sa April 16.  It will be shown at the Shin Kong Cinemas on April 15.

Nasa 8th edition na ang the Golden Horse event the first fantasy film festival in Taiwan. Ang Die Beautiful ni Jun Lana will also be screened in Udine, Italy from April 21 – 29.

Meanwhile, after ng Kalye Serye Sa US sa New York on April 12, ipapasyal muna ni Paolo ang kanyang anak na si Keira na nanood din sa kanila sa LA at New York. 

Matagal-tagal ding na-miss ni Paolo ang anak dahil nagkasunud-sunod din ang trabaho niya rito.

 

vuukle comment

ALDEN AT MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with