^

Pang Movies

May panawagan Nadine nabiktima ng kawatan sa States

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
May panawagan Nadine nabiktima ng kawatan sa States
Nadine Lustre

Nawalan ng bag at camera si Nadine Lustre habang nasa US sila ni James Reid para sa kanilang concert tour na Always JaDine.

Ayon sa tweet ni Nadine sa kanyang Instagram account, sinira raw ng magnanakaw ang bintana ng kanilang sasakyan.

“Guys, never leave valuables in your car. It’s so easy to break windows now with a ninja rock. Lost my bag and a cam last night,” tweet ni Nadine noong March 31.

Tweet pa niya ulit, “to whoever stole our stuff..just give it back tonight and yell #aprilfools. We’ll forgive you.”

Last April 2 (April 3 sa ‘Pinas) ang last show nina Nadine at James sa Las Vegas at pagkatapos ay uuwi na sila ng Pinas.

Kathryn hirap mag-action

Marami agad ang nagandahan sa teaser ng La Luna Sangre na ipinakita sa trade launch ng ABS-CBN na ginanap recently. Pero ayon sa mga bidang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ‘yung kaunting teaser na ‘yun ay grabe na raw ang dusa nila sa taping.

“Grabe, kung nakita nila kung paano ‘yun ginawa,” natatawang sambit ni Kathryn.

“Ang hirap, grabe. Iba nga talaga ‘pag action. Kasi, nag-last day kami ng shooting nu’n (ng Can’t Help Falling In Love), tapos diretso kami sa taping nga for the trade launch teaser.

“’Yung para sa ilang moves lang, especially ‘yung sa amin, ang tagal mo ire-rehearse, tapos ‘yung porma, lahat, ang hirap talaga,” sey pa ni Kathryn.

Pero sobrang excited na raw siyang mapanood lalo pa nga’t nandiyan din si direk Cathy Garcia-Molina.

“Talagang kung ano ‘yung gagawin namin, gagawin niya (direk Cathy) rin para maturo sa amin,” she said.

For the series ay talagang nag-training pa raw sila para sa mga action scenes na gagawin nila.

Ayon kay Kathryn, ito raw ang bagong maio-offer nila sa kanilang mga fans ngayong medyo nag-level-up na sila pagdating sa mga roles at medyo nagma-mature na nga raw ang kanilang mga papel.

Kara sinigurong sasabayan si Michael

Parehong excited at kinakabahan sina Michael Pangilinan at Kara Mitzki sa back-to-back concert nila titled 56K with Kara and Khel na gaganapin ngayong April 8, 9 p.m. sa Music Museum.

“Since this is my very first major concert, panay ang rehearse ko ng songs and dances na inihanda ko. I’m so nervous pero I’m very excited na rin kasi this is the one thing I’ve always wanted to do aside from acting.

“My manager, Tita Anabelle Rama, always reminds me to be at my best kasi nga ang ka-back-to-back kong si Michael Pangilinan ay sanay na sanay na sa concerts. He has done many sell-out shows already while ako ay bago pa lang sa concert scene. Ha! Ha! Ha! Basta promise ko kina Tita Anabelle and Boss Vic del Rosario na huhusayan ko in the best of my capacity,” pahayag ni Kara.

“I am very excited to work with Ms. Kara Mitzki. Naging guest ko na siya last year sa isang Music Museum show ko and ang galing niyang mag-perform.

“Ako rin naman nininerbiyos din eh. Everytime namang mag-show ako hindi talaga nawawala ang kaba kaya I always pray to God na alalayan niya ako in every performance,” sabi ni Michael whose latest album under Star Music are selling like hotcakes. His single Hanggang Kailan is making a killing at the music charts.

Ang bongga nga ng concert dahil napapayag din ni Jobert si Vice Ganda na mag-guest along with Duncan Ramos, Hashtag Nikko, Kiel, Anthony Rosald, and Eze­ kiel.

vuukle comment

KAWATAN SA STATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with