^

Pang Movies

Para raw ‘di na matsismis na bading Luis hinahamong pakasalan na si Jessy

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Painggit ang photo ni Luis Manzano habang kayakap at hinahalikan sa noo ang girlfriend na si Jessy Mendiola sa Instagram account niya kaha­pon. Tanging ang caption na, Hey hey (with heart emoticon) ang nakalagay, huh!

Kilig siyempre ang followers ni Luis na boto kay Jessy. Bihira kasing mag-post si Luis ng picture nila ni Jessy na nilalanggam sa katamisan. Kaya hayun, umapaw ang puso mula sa kanyang followers.

Komento ng isa, “Pakasalan mo na yan para matigil na ang kakasabi sau na bading ka.”

Lumang isyu na kay Luis ang kasarian niya. Isang malaking kabulaanan lang kasi ‘yon. Malandi lang kasi ang dating niya but it doesn’t follow na ba­ding na siya, huh!

Teka lang.  May nais bang pasaringan/pakitaan si Luis sa post nila ni Jessy, Salve A.?

Martin dream come true ang makakanta

Dream come true para kay Martin Nievera ang makakanta sa NBA game ng Gol­den State Warriors at Milwaukee sa Oracle Arena sa San Francisco na naganap kahapon sa oras natin.

Favorite ng Concert King ang GSW player na si Stephen Curry pero bukod doon, lumaki siya sa San Francsico kaya mahal na mahal niya ang lugar.

Bahagi ng Filipino Heritage Night ang pagkanta ni Mar­tin ng US Natio­nal Anthem. May folk dance rin ng ilan na­ting sayaw sa halftime ng game. Sa isang post ng ma­nager ni Martin, may video siya habang kinakanta ang pambasang awit ng Amerika.

Siyempre, sigawan ang mga proud Pinoy na nakapanood kay Martin na ‘yung iba namang Kano ay nakikanta rin sa kanya.

Negosyo ni Alden sinasabotahe!

Hindi ligtas ang negosyo ni Alden Richards sa pagkakaroon ng poser sa social media. Ito ‘yung account ng Concha’s Gardens ng Pambasang Bae na meron nang dalawang branch.

Sa tweet kahapon ni Alden, ipinaalam niya sa lahat na ang @CochasGardenCF ay pekeng account. Ang official Twitter account ng Conchas niya ay @conchaasgarden na tamang i-follow.

Sa pekeng account, nakalagay na ‘yon ang official account with mat­ching operating hours pa ng resto, huh!

Lahat na lang, may posers, tao man o hindi, huh!

Palibhasa tinatao, kaya may nanliligaw sa gustong kumain sa resto ni Alden, huh!

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with