^

Pang Movies

Lorna rumaket muna sa iba bago bumalik sa Kapamilya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Associated Press

Muling patutunayan ni Ms. Lorna Tolentino ang pagka-grand slam Best Actress niya sa Eat Bulaga Lenten Special kung saan mangunguna siya sa anim na special episodes ng longest running noontime show na mapapanood mula April 10 to 12, dalawang episodes bawat araw. 

Ipinasilip na kahapon sa Eat Bulaga ang teasers ng bawat episode.  Ang theme nila sa taong ito ay pamilya at pagkakaibigan sa ilalim ng anim ding mahuhusay na director tulad nina Ms. Gina Alajar, Bb. Joyce Bernal, Mike Tuviera, Lineth Zurbano at Joel Lamangan. 

Ginagawa na nila ang special Lenten presentation sa loob ng 36 years.

Gagampanan ang anim na episodes ng mga Dabarkads, tulad nina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna-Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Patricia Tumulak, Jimmy Santos, Anjo Yllana, ang phenomenal love team Alden Richards and Maine Mendoza,

Bukod kay Lorna, very special guests din si Ms. AiAi delas Alas, Barbie Forteza at may special guest appearance si Jake Ejercito na makakatambal ni Barbie.

This year, hindi magsasama sa isang episode sina Alden at Maine di tulad last year na ginawa nila ang episode na God Gave Me You na kasama nila si Jake sa first acting vehicle niya at idinirek sila ni Bb. Joyce Bernal.

Anyway, malapit na ring mapanood si Lorna sa Kapamilya series na Victims of Love.

Benjamin iba ang kaligayahan kay Julie Anne

Kahit ten months na pala silang exclusively da­ting, ayaw pa ring bigyan ni Benjamin Alves ng label ang relasyon nila ng ka-love team na si Julie Anne San Jose.

Sa isang interview ni Benj with some entertainment press, sinabi niyang he always look forward seeing Julie Ann na kanyang inspiration, “I’m happy kapag kasama ko siya, we’re happy together, I texted her every morning and before I go to sleep, lalo na kung wala kaming taping ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.”

Inamin ni Benj na ngayon lamang niya naranasan ang happiness na tulad nito kay Julie.  Yes, na-link na siya sa ibang artista, pero iba raw talaga kay Julie Anne, at natutuwa siya kapag may nagsa­sabi na bagay silang dalawa.  Pero may mga bashers din na ayaw sa kanya for Julie, pero hindi raw siya naapektuhan ng mga bashing nila.

Ang sexy ngayon ni Julie, papayag ba siyang mag-pose sa isang men’s magazine si Julie Ann? Aminado rin si Benj na pareho silang seloso ni Julie.

“Hindi sa akin ang desisyon, sa kanya iyon.  Pero may takot si Julie sa parents niya, sa family niya, alam kong hindi siya papayag mag-pose sa men’s magazine.  Kahit nga love scene sa aming afternoon prime, ayaw namin, lalo na sa part niya, ayaw ko, hanggang kissing scene lamang kami.”

Ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ay napapanood daily sa afternoon prime ng GMA 7 pagkatapos ng Legally Blind.

vuukle comment

LORNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with