My Dear Heart tiyak na ang pagpapaiyak!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - January 23, 2017 - 12:00am

Ngayong Lunes, isa na namang primetime series ang sisimulan ng ABS-CBN, isang nakakaantig sa kasaysayan, ang My Dear Heart.

Tiyak na magpapaiyak sa manonood ang nasa­bing series.

E, trailer pa lang napaiyak na si Jenjen, ang a­king apo na isinama ko sa nakaraang presscon ng series. Bato ka na lang kung hindi ka maiiyak sa eksena ni Coney Reyes at ng limang taong gulang na pinakabagong artista ng Kapamilya network na si Nayomi Ramos.

In fairness, hindi lang siya magandang bata, matalino siya at hindi utal kung magsalita. Marunong siyang mag-emote, at lahat ng tanong ng press people ay alam niyang sagutin.

Nag-workshop si Nayomi at nakita nina Direk Jerome Pobocan at co-direktor na si Jojo Sagun ang galing sa acting ni Nayomi na gaganap na sickly child sa My Dear Heart.

Ang mga taong walang puso, walang pagmamahal sa kapwa, maramot, matapobre, mapanglait at nagtataglay ng kasamaan ay magbabago dahil kay Heart (na gina­gampanan ni Nayomi) na nagkaroon ng congenital heart disease.

Dito magbabago ang isang sikat at specialist sa mga sakit sa puso na si Dr. Margarette Divinagracia sa katauhan ng magaling and well respected actress na si Coney Reyes.

Mataray at makapangyarihan si Coney dahil sa magaling na doctor siya at napapagaling niya ang mga may sakit sa puso.

Basta, abangan na lang natin ang My Dear Heart.

Gaganap na magulang ni Nayomi sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo.

Nasa cast din ang magagaling na actor na sina Joel Torre, Robert Arevalo, Eric Quizon, Loisa Andalio at ang mga male group na titilian, sina Mark Orea, Jerry O’Hara, Izzy Camello, Jameson Blake, Sandino Martin, Ynigo de Belen, Vic Robinson at Hyuba Azarcon.

Ang Dreamscape Entertainment ang producer ng My Dear Heart, na siya ring nag-produced ng May Bukas Pa, Honesto, at Nathaniel.

Paalam, Donna…

Na-cremate na last Friday night ang labi ng yumaong actress, mega wife & mother, mega producer & mega friend na si Donna Villa.

Maraming close friends ni Donna ang nagsalita sa eulogy after the mass like Mr. Manoling Morato, dating chairman ng Board of Censors na super close sa kanya.

Nagsalita rin sina VACC Head Dante Jimenez, Miss Cory Quirino at iba pang alam kong malapit sa mega couple.

Nakita ko sa crowd sina Sunshine Cruz, Joel Torre, Deborah Sun, Liz Alindogan, Azenith Briones, Angelica Panganiban, Efren Montano, members ng SOS (stuntmen), movie press, friends at iba pa.

Ang tagapagpakilala ay ang anak ng mega couple na si CJ na saksakan ng pogi at nag-aartista na rin. Graduate sila ng kapatid niyang si Peach ng Ateneo.

Ang galing magsalita ng magkapatid at fluent English ang ginawa nila sa eulogy, pero just the same ang lungkot ng atmosphere sa loob ng pinagburulan kay Donna sa Cosmopolitan Chapel and Crematory in Ascencion, Araneta Ave, QC.

Nagsabi ako kay Donna na hindi ako pupunta sa huling gabi ng kanyang burol pero hindi ko rin kaya na hindi magpunta.

Kahit wala akong kasama, umalis ako at go ako sa Cosmopolitan Chapel, inalalayan ako ng aking mga guwardiya, si St. Michael D’ Archangel, at ang kaluluwa ni Donna.

Hindi ko rin halos kinaya nang si Direk Carlo J. Caparas na ang huling nagsalita, para akong babagsak. Kita at ramdam ko kay Direk Carlo ang pagtutol niya sa pag-alis ni Donna.

Ang ganda ng kuwento ng direktor sa love story nila ni Donna. Na-in love at tumino sa pagiging bad boy si Direk Carlo.

After magsalita ni Direk Carlo na parang matutumba, humingi ng paumanhin sina CJ at Peach sa mga tao na iwanan muna silang mag-aama, doon ay maririnig mo na sumisigaw at humahagulgol si Direk Carlo.

Paalam my friend, my boss, my benefactor, mami-miss ka namin, pero you are now kapiling ng mga angels, at ni Lord God Jesus. Walang katapusang prayers ang aming pabaon sa iyo.

Thank You…

Salamat po, Sir Wally, ang manager ng Ministop Golden City, Sta Rosa. Sila ang distributor ng PM (Pang-Masa), PSN (Pilipino Star NGAYON), Philippine Star at ibang showbiz magazine.

Ang nasabing convenient store ang favorite snack place ni Mark Herras at ng kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez.

Para hindi ako mauubusan ng PM copy, ini-assign ni Sir Wally ang masisipag na mga salesman ng convenient store na 2 girls, 4 boys at security guard.

CONEY REYES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with