Best actor pa naman Paolo umiiyak sa lungkot
Maraming naghanap kay Angelina Jolie, Julia Roberts, Beyoncé, Meryl Streep, pero walang dumating kahit isa sa kanila sa Gabi ng Parangal ng 42nd Metro Manila Film Festival na ginanap sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.
May sakit pala ang Queen of Make-Up Transformation na si Paolo Ballesteros, si Trisha Echevarria ng Die Beautiful na idinirek ni Jun Lana. Si Direk Jun ang tumanggap ng kanyang trophy at umiiyak daw sa lungkot si Pao dahil hindi siya nakadalo.
Hinanap din si Eugene Domingo ng Ang Babae sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough na sa Italy nagpalipas ng Pasko hanggang sa New Year. Present ang ibang nominees sa iba’t ibang category, like Ms. Nora Aunor, Rhian Ramos at very visible si John Lloyd Cruz na isa sa mga bumuo ng MMFF jury.
TV production ng Viva Entertainment ang namahala sa awards night na ang mga host ay sina Mark Bautista, Yassi Pressman, at Roxie. Mga Viva talent din ang nag-perform ng mga production number.
Narito ang mga winner:
Best Picture - Sunday Beauty Queen
Best Director – Erik Matti (Seklusyon)
Best Actor – Paolo Ballesteros (Die Beautiful)
Best Actress – Irma Adlawan (Oro)
Best Supporting Actor – Christian Bables (Die Beautiful)
Best Supporting Actress – Phoebe Walker (Seklusyon)
Special Jury Award – Rhed Bustamante (Seklusyon)
Best Ensemble Acting – Oro
Best Screenplay – Seklusyon
Best Cinematography – Seklusyon
Best Editing – Sunday Beauty Queen
Best Musical Scoring – Saving Sally
Best Sound Design – Seklusyon
Best Theme Song – Francis de Veyra (Seklusyon)
Best Production Design- Seklusyon
Kids Choice Awards (Full Length) - Saving Sally; Sunday Beauty Queen; Vince and Kath and James
Gat Puno Antonio Villegas Cultural Award – Sunday Beauty Queen
FPJ Memorial Award for Excellence – Oro
My Favorite Film/Audience Choice – Die Beautiful
Male Star of the Night – Ronnie Alonte
Female Star of the Night – Rhian Ramos
Shorts Category:
Best Screenplay – Mitatang
Best Direction – Jarell Serencio (Mga Bitoon Sa Siyudad)
Best Short Film: EJK
Special Jury Prize Shorts – Manila Scream
Best Short Film Made for Children – Passage of Time
Ipinahayag din na extended ang MMFF sa mga SM Malls hanggang January 8, sa halip na sa January 3 ito matatapos. Naniniwala silang makakatulong ang mga natanggap na awards ng mga pelikula para panoorin pa ito ng mga tao.
Hinihintay ng MMFF Execom at sagot ng Robinsons at Ayala Group kung ie-extend pa rin nila ang showing nila hanggang sa January 8.
Alden panata na ang mag-new year countdown
Mamayang gabi na ang taung-taong hinihintay ng mga tao na nagtutungo sa Mall of Asia para saksihan ang GMA New Year Countdown. Naalala naming sinabi ni Pambansang Bae Alden Richards na simula nang pumasok siya sa GMA Network, taun-taon na siyang kabilang sa naghu-host at nagpi-perform doon. At ngayon, ika-anim na taon na niyang ini-enjoy ang Kapuso show nila at manood ng fireworks display. Titled Lipad Sa Bagong Taon, kasama niyang magho-host sina Andrea Torres, Julie Anne San Jose, Betong Sumaya, Dingdong Dantes at marami pang Kapuso stars na sasalubong sa New Year, 2017. Pwede na kayong pumunta sa seaside ng MOA as early as 10:00 PM.
- Latest