Sharon hinahanapan ng leading man, Gabby laglag sa survey?!
Sino kaya ang magiging leading man ni Megastar Sharon Cuneta sa muli niyang paggawa ng movie sa Star Cinema? Mukhang niluluto na ang bagong project dahil nag-post na si Sharon sa kanyang YouTube channel ng pagpunta niya sa office ng Star Cinema para makipag-meeting with Ms. Charo Santos, Ms. Malou Santos, Direk Olive Lamasan at dumating na rin si Direk Cathy Molina-Garcia na siyang magdidirek ng movie. Nakakagulat lamang na sa poll na isinagawa ng Star Cinema kung sino ang gusto nilang maging leading man ni Sharon, hindi si Gabby Concepcion ang nanguna sa listahan.
Maine laging hinihimatay
Sa kalyeserye ng Eat Bulaga, sa pagsasama ng mag-asawang Alden at Maine Richards, kung noong Tuesday ay nakitang nagsusuka si Maine, kahapon naman ay okey na ang mag-asawa, breakfast in bed pa ang inihain kay Maine. Bawas na raw ang jet lag nila, kaya naharap na nila ng maayos ang tatlong lolas na dumalaw sa kanila. Si Lola Nidora ay laging hinihimatay kapag sinasabi nina Lola Tidora at Tinidora na malapit na silang magkaroon ng apo sa tuhod.
Humingi na rin ng maasim na manggang hilaw si Maine, pero nang sasabihin na nila ni Alden ang magandang balita, bigla namang hinimatay si Maine at bumagsak sa lapag. Abangan natin mamaya kung totoo na ngang magkakaroon na ng apo sa tuhod ang tatlong lolas.
Boyet at Bela sa online naman bibida
Nakausap namin si Christopher de Leon bago siya pumasok sa presscon ng On The Job, The Series, by Direk Erik Matti and HOOQ. Kung matatandaan, ang On The Job ay isang malaking pelikula noong 2013 at nakakuha ito ng international awards. Ang pelikula ay tungkol sa corruption ng mga pulis. Ngayon, gagawa ng sequel si Direk Erik sa isang six-episode mini-series sa HOOQ, Asia’s first and biggest video-on-demand service, who will release it not just locally but also sa ibang market abroad, gaya ng India, Thailand and Indonesia.
Si Christopher ang publisher ng local newspaper na ni-reject ang story ng writer na si Teroy Guzman, paid hack ng isang powerful political family. Naganap ang pagpatay sa walong journalists na misteryosong nawala. Si Bela Padilla ang gaganap bilang Pam, isang honest and hard hitting journalist na nagpunta sa La Paz mula sa Manila para mag-imbestiga sa kaso.
Nasa cast din sina Leo Martinez, Dominic Ochoa, Jake Macapagal, Smokey Manaloto, Rita Atayde, Nafa Hilario-Cruz, Renz Fernandez (na tuwang-tuwa na may bago siyang project), Levi Ignacio, Arjo Atayde at Neil Ryan Sese.
Tatapusin ng HOOQ ang shooting ng six episodes at iri-release ito in one blow. It will be shown for free to HOOQ subscribers na may partnership with Globe Studios, that showed programs from GMA, ABS-CBN, Viva and Regal.
“We in Reality Entertainment are really excited with this project,” says Director-Producer Erik Matti. “Creating a mini-series for video-in-demand is new challenge for that will give us the chance to explore new, unique materials that will pull in viewers who are tired of watching the usual stuff on TV. We promise to come up with something new that will be truly worth matching.”
- Latest