^

Pang Movies

Kim kasiping ang award na natanggap bilang singer

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kim kasiping ang award na natanggap bilang singer
Kim

Hindi makapaniwala si Kim Chui sa award na natanggap kamakailan na Push Gram Music Artist para sa kanyang kantang Mr. Right sa Push Awards 2016.

Aminado si Kim sa kanyang interview na malayo na ang narating ng kanyang hit song dahil umabot na rin ito sa Billboard Philippines kung saan nag-No. 2 pa sa music chart.

Hindi makakalimutan ni Kim ang award na itatabi pa raw niya sa kanyang pagtulog dahil mu­ling napatunayang may suwerte rin siya sa kanyang singing career. Natalo pa niya ang ibang magaga­ling na singers sa nasabing category tulad nina Yeng Constantino at Alden Richards. Kaya sobra ang pasasalamat niya sa kanyang fans at sa ibang na-LLS sa Mr. Right.

Dobleng blessings pa ni Kim dahil sinabihan siya agad ni Mr. Roxy Li­quigan ng Star Music na may kasunod ang kanyang hit song na Mr. Right sa susunod na taon.

Hindi na rin itinatago ni Kim na si Xian Lim na ang kanyang Mr. Right ngayon kaya wala na siyang hahanapin pa. Dahil ito ang nagpapasaya, nagpapatawa, nagpapa-inspire, at ang binata rin ang nagbibigay sa kanya ng tamang direksyon sa ngayon.

Samantala, kahit si Xian ang kanyang Mr. Right ay ready si Kim na tanggapin ang anumang assignment na ibigay sa kanya kahit hindi kasama ang ka-loveteam at ito na nga, bibida na sila ni Gerald Anderson sa isang serye na nagkaroon na ng media announcement.

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with