_pang-masa
^
Luis nagpa-drug test din sa buhok
Luis

Luis nagpa-drug test din sa buhok

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 26, 2016 - 12:00am

Inilabas ni Luis Manzano ang resulta ng panibago niyang drug test. This time, ang buhok niya ang ipinasuri para patunayang malinis ang katawan niya sa anumang klase ng droga. Nauna na siyang nagpa-drug test sa ihi. Pero sinasabi ng marami na ang ihi naman madali lang malusutan ang droga dahil mag-detox ka lang daw, magiging klaro ka na sa drugs. Pinaka-effective raw talaga ang buhok.

Kaya naman para hindi na siguro pagdudahan, nagpa-drug test ang TV host na nung isang gabi lang ay naghakot ng trophy sa Star Awards. “Some people weren’t happy with the urine test saying the most accurate is through Hair drug panel test. Done,” sabi ni Luis kahapon sa kanyang Facebook account matapos i-post ang resulta ng test sa limang klase ng droga. Nakalagay doon na ‘Hair 5 Drug Panel Test Result : Negative.’

Ang buhok talaga raw ang pinaka-valid na i-test dahil kahit anong mangyayari lalabas at lalabas kung nagdo-droga ka.

So sa mga pinagdududahan, pa-test na rin kayo sa buhok.

Paolo nag-ala-Angelina Jolie sa Tokyo Filmfest

Rumampang naka-Angelina Jolie look si Paolo Ballesteros kahapon sa red carpet  ng Tokyo International Film Festival.

Kasali ang pelikula ni Paolo na Die Beautiful sa nasa­bing filmfest na idinirek ni Jun Lana.

Naka-gown pa si Paolo kaya naman marami raw ang naloka at namangha sa kanyang hitsura.

Mahusay sa make-up transformation ang TV host na isa sa mga bida ng pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo may Boyfriend?! with Anne Curtis and Dennis Trillo na second week na sa mga sinehan.

Mga gumagamit ng bawal na droga, mas dumami

Bukod pala sa 30 na nasa listahan ng PNP na celeb na umano’y sangkot sa pinagbabawal na droga, may iba pang hawak na listahan si Pangulong Duterte at mas marami raw ito.

Meaning marami pala talaga durugista at nagtutulak na kilala.

Kaya ingat-ingat na ang mga sangkot. Sumuko na kayo bago pa mapangalanan.

Anne masuwerte sa October

Masuwerte ang buwan ng Oktubre kay Anne Curtis.        

Una, steady ang pag-pick-up ng box-office performance ng pinag-uusapan niyang pelikula, ang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?!, na may international screenings nang naka-schedule sa iba’t ibang parte ng mundo.

Laugh trip nga ang nasabing pelikula mula sa Viva Films at The IdeaFirst Company nina Direk Jun Robles Lana at Perci Intalan dahil walang ginawa ang mga nakapa­nood kundi ang tumawa’t ma­aliw sa mga kwelang eksena nina Anne, Dennis Trillo at Paolo Ballesteros.

Maliban dito, itinanghal si Anne bilang best female TV host para sa It’s Showtime sa katatapos na 2016 PMPC Star Awards for TV.

Siya at ang grupo rin niya ang naging kampeon sa Magpasikat Week ng naturang daily noontime show ng ABS-CBN, kung saan buwis-buhay ang ginawa niyang aerial stunts sa isang napakataas na building.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with