^

Pang Movies

Pelikula ni Nora mabilis na namang nawala sa mga sinehan

AKSYON NGAYON - Vir Gonzales - Pang-masa
Pelikula ni Nora mabilis na namang nawala sa mga sinehan
Nora Aunor

MANILA, Philippines - Masaya ang Superstar na si Nora Aunor dahil kahit kulang sa promo ang pelikula niyang Hinulid ay dinumog pa rin ito.

Nakinood ang National Artist na si Ben Cabrera at ilang mga kilalang kritiko sa showbiz. Komento nila, malalim ang tema ng istoryang pagmamahalan ng mag-ina. May narinig pa nga kaming comment na mas malalim ang movie na Hinulid kaysa sa movie na idinirek ni Lav Diaz.

Nakakahinayang nga lang dahil kapag magandang pelikula ay hindi nagtatagal sa mga sinehan. Well, hindi ito kataka-taka dahil mas gusto ng mga fans ‘yung istoryang sigawan, patayan, agawan sa pag-ibig, at kung anu-ano pa.

AiAi at Dulce, Nadia, at Vivian, nagsi-share ng blessings

Sana dumami pa ang mga artistang katulad nina AiAi Delas Alas at Dulce. Marami silang natutulungang kapwa. Nasagip ni AiAi si Jiro Manio na hindi na inabot ang operation tokhang na walang sinisino.

Si Dulce naman ay tumulong noong magkasakit ang singer na si late Susan Fuentes na kumanta ng walang kamatayang Miss Kita Kung Christmas noong araw.

Naabutan din namin ang totoong kabaitan ni AiAi. Nakita namin siya ng dating sexy star na si Barbara Milano na nakaluhod sa harap ng Our Lady Of Perpetual Help at umaagos ang luha niya kahit walang kamera.

Mabait din sina Vivian Velez at Nadia Montenegro na malaki ang naitulong sa yumaong si Dick Israel.

Sana po dumami pa ang katulad nila at magaya ng ibang taga-showbiz na masiba sa material na bagay.

                                               

vuukle comment

SINEHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with