^

Pang Movies

Max hindi hinihigpitan ni Pancho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Laging handa si Max Collins na makaeksena sina Lovi Poe at Tom Rodriguez, dalawa sa mga hinahangaan niyang Kapuso co-stars sa Someone To Watch Over Me (STWOM). “Maghahanda ka talagang kasama sila sa eksena dahil si Lovi, nang magkasama na kaming dalawa, kita kong napakahusay niya, kapag kailangan siyang umiyak, talagang umiiyak siya,” kuwento ni Max. 

“Si Tom, nang makaeksena ko na, nagugulat ako sa husay niya, napakahirap kasi ng kanyang role, one that is at a young age, nagkaaroon na agad ng Al­zheimer’s disease. Physical at mental acting siya nang magsimula na siyang atakihin nito, at alam kong napakahirap noon.”

Inamin ni Max na may love scenes na silang nakunan ni Tom. Nagpaalam ba siya sa boyfriend na si Pancho Magno? “Alam po naman niya iyon na magkakaroon ako ng kissing scenes at love scenes. Hindi po namin pinag-aawayan iyon dahil pa­reho naman kaming artista pero para wala nang problema, hindi na lamang siya nanood ng love scene ko kay Tom.”

Open na nga si Max na amining sa October 10 ay four years na sila together ni Pancho at nagpapa­salamat siya sa pagiging supportive ng boyfriend sa new drama series nila na napapanood sa GMA-7 pagkatapos ng Alyas Robin Hood.

Patintero ginamitan ng animation para maging mas maaksyon

Medyo nagulat kami nang mapanood namin sa press preview ang indie film na Patintero: Alamat ni Meng Patalo na mula sa producer ng Heneral Luna ang TBA (Tuko Films, Buchi Boy Entertainment and Artikulo Uno Productions). Isang experimental film ang Patintero na nanalo na ng Audience Choice & Gender Sensitivity Awards sa nakaraang Quezon City Filmfest. Ni-reshoot at re-edited ni Direk Mihk Vergara, tungkol ito sa game na patintero na ang mga player ay sina Meng (Nafa Hilario Cruz), Nicay (Isabel Frial), Shifty (William Buenavente), at Z-Boy (Claude Adrales).

Kung nagulat kami, dahil hindi ito iyong usual patintero. Ginamitan ito ng animation para madag­dagan ang patintero scenes na ginawang violent game pero hindi naman tulad ng UFC matches na ang mga magkakalaban ay talagang nasasaktan. A­yon sa mga bagets, hindi sila nasaktan habang isinu-shoot ang mga bayolenteng eksena.

Thankful si Direk Mihk na sinuportahan siya ng mga kaibigang sina Direk Dan Villegas, Direk Antoinette Jadaone, at Direk Joyce Bernal sa first directorial job niya.

May premiere night sila sa October 1 sa SM Megamall at ilu-launch nila ang comic book version sa October 2, sa SM North EDSA na dadaluhan ng buong cast. Mapapanood na sila simula sa October 5, in cinemas nationwide na iri-release ng Quantum Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with