^

Pang Movies

Socialite nagpakita ng katsipan sa SONA, mga anti-Duterte certified balimbing na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kaloka ang isang socialite na kitang-kita sa TV ang paghawi sa mga mambabatas na nakapaligid kay President  Rodrigo Duterte  para makapagpa-picture siya na kasama ang pangulo.

Sosyalera ang image ng socialite pero lumitaw kahapon ang kabaduyan niya dahil sa kanyang inasal sa State of the Nation Address ni Papa Rody.

Lumabas din ang tunay na kulay ng ibang mga senador at kongresista na anti-Duterte noong panahon ng kampanya pero sipsip na sipsip ngayon sa bagong presidente ng Pilipinas. Pinatunayan lang nila na mas ma­ra­mi ang plastik  sa mundo ng pulitika kesa sa showbiz.

Lucy at Heart sumunod sa dress code

Sumunod sina Congresswoman Lucy Torres-Gomez at Heart Evangelista sa simple dress code sa SONA ni President Rodrigo Duterte.

Simple ang outfit ni Lucy at white pantsuit with blazer ang damit ni Heart.

Mga simple rin ang mga damit nina Congresswoman Yedda Marie Romualdez at Gretchen Barretto pero mga sikat na designer ang gumawa. Si Cary Santiago ang nagbihis kay Yedda at si Inno Sotto ang designer ng white and black outfit ni Gretchen.

Nadine gumiling-giling at nagpakita ng legs!

Seksing-seksi si Nadine Lustre sa DVD launch ng This Time sa Trinoma Activity Center noong Linggo dahil sa kanyang suot na denim shorts at sleeveless blouse.

First time na –sight ng JaDine fans ang magandang legs ni Nadine na lalong napansin dahil maig­sing-maigsi ang maong shorts niya.

Nagpista ang mga mhin dahil hindi nila expec­ted na seksing-seksi pala si Nadine kapag hindi ito balot na balot ng damit.

Lalong na-excite ang male fans nang kumanta si Nadine dahil nagpagiling-giling ito sa pagsayaw. Solved na solved ang fans, kahit hindi nakarating sa DVD launch si James Reid.

May katwiran daw pala na makasali si Nadine sa Top 10 Sexiest Women ng isang men’s magazine.

Sarah ini-enjoy ang privacy

Kahapon ang 28th birthday ni Sarah Geronimo na siguradong happy dahil nakahabol ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na nanggaling pa sa Canada.

Ini-enjoy ni Sarah ang privacy pero tiyak na ipinagdiwang niya ang kaarawan sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.

Pareho ng birthday si Sarah at ang King of Come­dy na si Mang Dolphy.

Kung nabubuhay si Mang Dolphy, tiyak na ipinagdiwang nila ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang 88th birthday kahapon.

Alden may pa-thank you 

Gustong mag-join ng kasambahay ko at ng kanyang anak sa Thanksgiving party ni Alden Ri­chards para sa entertainment press dahil type nila na papirmahan ang libro tungkol sa kanilang favorite actor.

Nagulat ako dahil hindi ko alam na nakabili na pala sila ng libro ni Alden.

Ganoon katindi ang paghanga nila sa Pambansang Bae ng bayan.

Malamang na isama ko sila sa thanksgiving party ni Alden dahil hindi ko na pinayagan ang mag-ina na panoorin uli sa pangalawang pagkakataon ang Imagine You & Me.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with