^

Pang Movies

Eric hindi naurirat si Zsa Zsa sa kapalaran kay Conrad

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napagod daw si Direk Eric Quizon sa pagdidirek niya noon ng Passion de Amor na inabot ng almost two years, kaya ngayon ay sa acting muna siya. At una nga niyang ginawa ang naiibang tale of love and romance na That Thing Called Tanga Na kasama sina Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero at Angeline Quinto, mula sa isa sa paboritong director din ni Direk Eric na si Joel Lamangan. Gagampanan niya ang role ni Ronnie Chui, isang rich lawyer and Pinoy movie fan. Nagwala siya nang malaman niyang ang boytoy niya ay nagkaroon ng affair sa isang talent manager na mas bata sa kanya. Hindi ba siya nagdalawang-isip tanggapin ang role?

“Hindi naman dahil hindi ito ang first time na gumanap ako sa ganitong role,” sabi ni Direk Eric. “Si direk Joel din ang director ko sa Pusong Mamon but I’m happy na I’m back sa acting. Na-miss ko rin ito.”

After the presscon, sinagot namang lahat ni Direk Eric ang tanong tungkol kay Zsa Zsa Padilla sa mga nangyari rito.

“Ever since naman, close friends na kami ni Zsa Zsa, pero medyo nagulat din ako na akala ko tuluy-tuloy na ang happiness niya, kilala ko rin naman ang boyfriend niya noon. Noon ngang naghahanda siya sa wedding nila, tinanong pa niya ako kung a-attend daw ako at sabi ko, of course, wala namang bad blood sa amin. Pero hindi ako nagtanong sa kanya nang malaman ko ang nangyari, basta nagpadala lamang ako ng message sa kanya na “we’re just here for you.” Magkikita siguro kami soon dahil may pag-uusapan kami since ako ang admi­nistrator ng estate na naiwanan ni Daddy (Dolphy).

When asked kung ano ang susunod na project ni Direk Eric, kinukuha raw siya ng GMA-7 pero acting din ang project na ibibigay sa kanya.

Yasmien tiwalang hindi lolokohin ng mister

“Kung magseselos ka sa akin, sa isang lalaking malapit naman sa hitsura mo,” natatawang kuwento ni Yasmien Kurdi nang tanungin siya kung pinagselosan na ba siya ng husband niyang si Rey Soldevilla. Tall and handsome pilot kasi si Rey. Hindi ba siya nag-aalaala na matulad siya sa nangyari kay Sunshine Dizon na isa ring pilot ang husband?

“May confidence ako sa husband ko and we trust each other. Ako ang first girlfriend niya at siya rin ang first boyfriend ko. Supportive kami sa career namin at hindi kami magiging hadlang sa pag-asenso ng bawat isa. Naniniwala ako na kung gusto niyang magloko noon pa sanang isang flight atten­dant pa lamang siya at ang dami niyang magagandang female attendants na kasama. Kahit saan naman may tukso at kahit pigilan mo, kung gugustuhin ng lalaki, magloloko pa rin siya, pero alam kong hindi ganoon ang asawa ko”

Kasama rin niya noon sa StarStruck si Katrina Halili na kahit binu-bully siya noon ay best of friends sila ngayon sa Sa Piling Ni Nanay, ang afternoon prime drama nila sa GMA-7.

Kasama rin nina Yasmien at Katrina si Mark Herras at mapapanood sila pagkatapos ng Sinu­ngaling Mong Puso sa GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with