^

Pang Movies

Karla, Melai, at Jolina sinopla ni Kris!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Usap-usapan na naman ang pagbalik sa bansa noong Sunday ni Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby, huh!

Noong Monday nga, nag-post si Kris sa kanyang Instagram account na mapu-fulfill na niya ngayong araw na ito ang pangako niya sa mga inaanak na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil magge-guest siya sa Yan Ang Morning.

Ang Yan Ang Morning ang morning talk show ni Marian sa GMA 7.

Siyempre, may mga nagdududa na naman na baka lilipat si Kris sa Kapuso network dahil doon siya unang a-appear pagkatapos ng less than two months na bakasyon nilang mag-iina sa Hawaii at Los Angeles, California, ‘noh?!

Sabi pa ng ibang mga intrigero’t intri­gera, ano raw kaya ang masasabi nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros dahil uunahin pa ni Kris ang pagge-guest sa mor­ning show ni Marian kesa sa Magandang Buhay morning talk show ng tatlong kaibigan?!

Remember, nagkaroon ng Magandang Buhay dahil sa desisyon ni Kris na magpahinga at mangibang-bansa muna at iwan na ang KrisTV.

Anyway, isang taga-ABS-CBN na kilalang malapit kay Kris ang inusisa ko kung nagpaalam ba ang tinaguriang Queen of All Media sa big bosses ng Kapamilya network tungkol sa guesting na ‘yon sa Yan Ang Morning, pero for the first time ay dedma ang taong ‘yon.

Well, iba talaga si Kris, talagang ramdam na ramdam ang pagbabalik-showbiz niya dahil nakakailang araw pa lang siya sa ‘Pinas ay pinag-uusapan na siya.

Sharon ayaw tantanan ang pagpapapayat

Isa si Sharon Cuneta sa Kapamilya stars na um-attend sa trade event ng ABS-CBN.

Humanga ang advertisers na um-attend doon sa “healthier, slimmer Megastar” dahil mas pumayat na naman si Sharon ngayon.

Lalo pang obvious ang pagpayat ng Megastar dahil palagi siyang naka-black ngayon, so mas pumapayat pa ang da­ting niya.

Noon kasi, mataba na nga si Sharon, mahilig pang magsuot ng mga damit na ang kulay ay mas nakakataba pa.

Actually, maraming nai-inspire na magpapayat dahil sa patuloy na pagpayat ngayon ni Sharon.

Nakakatulong ba ang bagong sigla ng kanyang showbiz career dahil sa pagbabalik-Kapamilya niya sa kanyang mabilis na pagliit?

Possible!

Maricel, Dina, at Snooky dapat ma-inspire kay Sharon

Sumunod sana sa Megastar sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie at Snooky Serna?

Si Marya, obvious na tumaba, pero mas obvious si Dina. Si Snooky naman, kahit medyo payat noong nakaraan, tumaba naman lately at ngayon nga ay may treatments na ginagawa sa isang beauty clinic para pumayat uli siya.

Pero in fairness sa original Underage beauties, kahit tumaba sila, ang gaganda pa rin ng mga mukha nila, huh!

Sila pa rin ang tatlo sa pinakamamagandang mga aktres natin!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with