^

Pang Movies

LJ wini-wish makasama si John Lloyd

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kasabay ng pagkapanalo ni LJ  Reyes ng Best Actress award sa katatapos na 39th Gawad Urian para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan ay nagdesisyon na ang aktres na bawasan na ang kanyang mga daring roles o pagpapaseksi sa kanyang mga ginagawang pelikula.

Una ay dahil lumalaki na raw ang kanyang anak na si Aki, kaya last na umano ang nasabing indie film kung saan nagpakita talaga siya ng katawan. Pangalawa ang pagiging vocal ng aktres sa kanyang faith kung saan kaba-baptize lang ni LJ sa kinabibilangan nitong simbahan.

Samantala, aminado si LJ sa isang interview na na-starstruck siya kay John Lloyd Cruz sa stage kung saan pareho silang nanalo sa Urian dahil ang aktor naman ang tinanghal na Best Actor para sa performance nito sa pelikulang Honor Thy Father.

Wish ni LJ na sana balang araw ay makatrabaho niya sa isang project ang aktor. Natuwa si LJ na at least daw kahit sa stage ay naka-level niya ang isang John Lloyd Cruz na hinahangaan ng lahat. Bukod pa sa mas memorable ang kanyang award dahil tinalo rin niya sa nasabing kategorya sina Nora Aunor ng Taklub, Alessandra de Rossi sa pelikulang Bambanti, at Jennylyn Mercado sa pelikulang Walang Forever.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with