^

Pang Movies

Pagbabalik ni Marian nagbabadya na!

Jun Nardo - Pang-masa

Nagbabadya na ang pagbabalik sa TV ni Marian Rivera. Unti-unti na ang ginagawa niyang public appearance, huh!

Lumutang si Yan Yan sa necrological services ni Kuya Germs sa GMA Studio 7.  Pinipiktyuran na rin ang kabuuan ng katawan niya upang ipakitang handa na siyang bumalik sa telebisyon dahil seksing-seksi na ang dating niya.

Tumaba raw ng konti si Marian.

Gusto niyang in perfect shape siya once lumarga na sa telebisyon.

Of course, ang Sunday PinaSaya ang puwede niyang unang labasan. Hindi naman kasi ganoon kabigat ang ginagawa niya sa programa.

Hindi lang kami naniniwalang isasabak ang GMA Primetime Queen sa remake ng Encantadia.

Huwag naman siyang isalang sa isang smorgasbord series. She deserves better than that at sure kaming solo at nag-iisang lead actress si Marian sa bago niyang drama series, huh!

After Joross, sex video pa more Jeric tatlong minuto pinaligaya ang sarili

Hala, after Joross Gamboa, heto’t kumakalat diumano ang isa pang sex video and this time, si Jeric Gonzales naman ang tinutukoy, huh!

We have yet to see the alleged Jeric’s video na tatlong minuto ang tinagal kung saan pinaliligaya ng Kapuso actor at Protégé winner ang sarili, huh! Wala pa rin siyang pahayag o ng GMA Artist Center na nagma-manage ng career niya.

Kabubukas pa lang ng taon, sex video pa more ang naglalabasan, huh!

Happy ang mga beki kasi lalaki ang subject ng sex video, huh!

Curious silang malaman siyempre kung dakila (malaki) ang sandata ng mga aktor na involved!

Kung inilapit na ni Joross at ng asawa niya sa NBI para imbestigahan ang nagkalat ng alleged sex video ng Kapamilya actor, ganoon din kaya ang gawin ni Jeric?

Sen. Chiz certified ‘Belieber’ din

Updated din si Senator Chiz Escudero sa mga sikat na kanta ngayon na kinahuhumalingan ng mga kabataan. Gulat nga sa VP bet ang isang radio announcer nang mag-guest ang una sa programa niya.

Alam kasi ng senador ang kanta ni Justin Bieber dahil kanta ng foreign singer ang ni-request. Take note na alam ng Vice Presidentiable ang sikat ngayong kanta ni Bieber na Sorry, huh! Pero hindi ang kantang ‘yon ang ni-request ng senador kundi ang isa pang song ni Bieber na Love Yourself!

Mula rin sa bagong album na Purpose ni Bieber ang Love Yourself na number 3 naman sa Billboard Hot 100. Belieber na din pala ang tatakbong VP sa Mayo!

‘Yun nga lang, kung maka-Bieber si Sen. Chiz, ang asawa naman niyang si Heart ay kanta ni Adelle ang madalas pakinggan.

AFTER JOROSS

ANG

ARTIST CENTER

ATILDE

BELIEBER

BIEBER

BILLBOARD HOT

CHIZ

HUH

JERIC

LOVE YOURSELF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with