Assunta at asawa, problemado sa Pasko
Jun Lalin (Pang-masa) - December 19, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Namumroblema si Assunta de Rossi kung paano sila uuwi ng mister niyang si Cong. Jules Ledesma sa Negros.

Plano sana nila na mag-Christmas sa lugar ni Jules at kasama nila ang dalawang anak ng mister sa namayapang misis nito.

Hindi makakuha ng flight pa-Bacolod sina Assunta.

Sabi ni Assunta nang makasalubong ko sila ng kapatid na si Alessandra de Rossi sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong City, baka rito na lang sila sa Maynila mag-Christmas at New Year kung hindi talaga sila makakakuha ng flight pa-Bacolod.

Siya nga pala, sa nasabing mall madalas mag-bonding ang magkapatid dahil madalas daw imbitahan doon ni Alessandra si Assunta sa tuwing pupunta ito sa nasabing mall.

Nakatira lang kasi si Assunta sa malapit sa Shangri-La Mall.

Beauty and the Bestie walang planong patalbog sa Bebe Love

Hindi maikakailang malakas ang tambalang James Reid at Nadine Lustre, kaya plus factor talaga sila sa Metro Manila Film Festival 2015 entry ng Star Cinema at Viva Films, ang Beauty and the Bestie.

Kahit sina Vice Ganda at Coco Martin talaga ang leads sa nasabing pelikula, inaasahan pa rin na isa sa magta-top grossers sa MMFF 2015 ang Beauty and the Bestie dahil sa JaDine loveteam.

Malakas ang hatak ng mga talent ni Boss Vic del Rosario at patunay doon ang mataas na ratings ng On The Wings of Love ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng JaDine.

Inaasahang hindi basta-basta magpapahuli sa My Bebe Love ang Beauty and the Betsie dahil kina James at Nadine.

Maria Ozawa sipag-sipagan sa promo ng Nilalang kahit hinuhulaang mangangamote

My gosh, ngayon pa lang ay marami na ang humuhulang ang pelikulang Nilalang ni Cesar Montano ang mangungulelat sa Metro Manila Film Festival 2015.

May mga nagsasabing kulang sa promotions ang pelikulang pinagtatambalan ni Cesar at ng Japanese adult star na si Maria Osawa.

Pero mukhang dedma lang naman ang mga taga-production ng Nilalang at happy naman sila sa mga nagsasabing maganda ang kanilang trailer.

Actually, ang Nilalang ang unang naglabas ng trailer sa mga pelikulang kasali sa MMFF 2015.

Masipag din sa pagpo-promote ng Nilalang si Maria na mas pinag-usapan noong magtaray kay Robin Padilla na magbida sana sa nabanggit na pelikula, pero umatras nang makunan uli ang misis na si Mariel Rodriguez.

Carla hinihintay magpakatotoo sa relasyon nila ni Tom

Sa isang interbyu, nagpahayag na raw si Carla Abellana na kinalimutan na niya ang past nila ng ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Anyway, mukhang kinalimutan na rin naman ng fans ang past nila ni Geoff.

Ang hinihintay ngayon ng fans ay kung kailan ba magpapakatotoo si Carla, pati si Tom Rodriguez, tungkol sa kanilang relasyon na hindi pa rin nila maamin-amin.

Hindi na kasi naniniwala ang fans na exclusively dating lang dapat ang maging tag sa kanilang relasyon.

ALESSANDRA ANG ASSUNTA BACOLOD BEAUTY AND THE BESTIE BEAUTY AND THE BETSIE BEBE LOVE BOSS VIC METRO MANILA FILM FESTIVAL NILALANG SHANGRI-LA MALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with