^

Pang Movies

Bangs recording artist na rin

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami ang hindi nakaaalam na may talent din sa singing si Bangs Garcia bukod sa pagiging actress, model, painter, at TV host na ngayon ay Viva artist na rin, may boses din si bangs.

Kaya thankful si Bangs sa Viva Records dahil binigyan ng katuparan ang pangarap niyang maging isang singer sa latest single nito na Dalhin Mo Ako Doon na puwede na ring mapanood ang music video  sa YouTube.

Pasampol pa lang ito ni Bangs para ipaalam sa publiko na may ibubuga rin siva sa singing.

Nagpaplano pa sila ng Viva Records para madagdagan ang kanyang single at hoping si Bangs na makabuo ng isang album.

Ngayon din ay mas confident na siyang sumayaw at kumanta.

Feel na feel ni Bangs ang lyrics ng kanta dahil bonggang-bongga rin ang kanyang love life. Catchy ang title ng kanta at meaningful daw sa kanya ang ly­rics dahil finally ay nakatagpo siya ng right guy kung saan ay dinala siya sa mas masaya at magandang journey ng kanyang buhay ngayon.

May ginawang paintings si Bangs sa London at pinatulong pa niya ang nobyo para matapos agad ito. Agad ding isinabit sa kuwarto ng kanyang boyfriend ang kanila pinagtulungang ipinita.

Plano rin ni Bangs na magkaroon ng isang café restaurant balang araw kung saan niya isasabit ang lahat ng kanyang paintings.

ACIRC

ANG

ATILDE

BANGS

BANGS GARCIA

DALHIN MO AKO DOON

KAYA

MARAMI

NAGPAPLANO

NGAYON

VIVA RECORDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with