^

Pang Movies

Sinagip lang ni Nora, Kris muntik nang sibakin sa sariling serye

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ilang beses palang iniyakan ni Kris Bernal ang pagbibigay ng malaking challenge ng GMA sa kanya ng role ni Tinay na may intellectual disability, ang dalagang ang isip ay katulad sa isang 9-year old na nabuntis at nagkaanak pa, ang Little Nanay.

Dumaan daw siya sa immersion for the role, pagri-research at screen test to the point na muntik nang bawiin sa kanya ang project.  Pero siya pa rin ang kinuha nila, dahil sinuportahan siya ng mga kasama niya, tulad ni Ms. Nora Aunor na gumanap na lola niya sa story, na matiyaga raw siyang inalalayan lalo na kung nawawala na siya sa kanyang character.

Sa launch ng bagong prime drama series, ilang beses ding napaiyak at hindi alam ni Kris ang sasabihin o isasagot sa mga tanong ng entertainment press sa kanya.

“Siguro, dahil maliit ako, mukhang bata at bagay sa akin ang role ni Tinay kaya sa akin din napunta,” biro pa ni Kris nang makausap after the launch sa Studio 6 ng GMA 7 Annex.  “At ang swerte ko talaga dahil hindi ko in-expect na mga mahuhusay sa artista ang makakasama ko.

Hindi ko maiwasan na mapaiyak at magulat na lahat ng eyes nasa akin, sinuportahan nila ako.

First time kong makakasama si Nanay Nora, si Tito Eddie Garcia, si Tito Bembol Roco.

Lahat po sila pinapanood ko lamang noon, ngayon, kasama ko na sa trabaho.”

Magsisimula na ito sa Monday, November 16, after ng 24 Oras.

Nakumusta kay Kris ang dating boyfriend na si Carl Guevarra na sabi’y may bago nang girlfriend ngayon.

Friends naman daw sila hanggang ngayon, naghiwalay sila na wala silang bitterness at hatred sa isa’t isa.

Sa balitang nanligaw si Lucho Ayala kapwa Kapuso star, na nagkatambal sila sa stage play na Noli at Fili Dekada 2000, sinabi raw niya agad na hindi pa siya ready for another relationship kaya mas maganda na maging friends na lamang sila at maging focus muna sa kanilang career.

Friends na ba sila ng AlDub fans na nang-bash sa kanya nang mag-post siya ng picture nila ni Alden Richards while travelling sila papuntang CamSur two months ago?

Natawa na lamang si Kris dahil nadagdagan daw ng 12k ang kanyang followers sa Twitter, pero may patuloy pa ring nangba-bash sa kanya, hindi na raw lamang niya pinapansin. Ipu-focus na raw lamang niya ang oras niya sa Little Nanay at sa pagho-host niya ng StarStruck 6 na in fairness, humusay na siya as one of the hosts.

Alden tuhog sa trabaho

Celebrity guest today si Alden Richards sa launch ng isang travel agency, ang AirYouGoTravels sa Trade Hall ng SM Megamall mamayang 4:00 p.m.

Alam ng nag-invite kay Alden kung paano dumugin ang mga shows ng Pambansang Bae at since maliit lamang ang Trade Hall, nag-issue sila ng tickets sa mga dadalo, no ticket, no entry raw.

So, paano na ang mga may gustong makita si Alden?  Last Sunday nga, dinumog ang mall show niya sa Ever Gotesco Commonwealth at since hindi kakasya sa loob ng mall ang mga fans, doon nila ginawa sa parking area.  Wala raw namang nagreklamo, ang mahalaga makita nilang mag-perform si Alden.

Bago pumunta ng Megamall, mapapanood muna si Alden sa kal­yeserye ng Eat Bulaga as they will celebrate ni Yaya Dub (Maine Mendoza) ang kanilang 17th weeksary.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

CARL GUEVARRA

EAT BULAGA

LITTLE NANAY

NBSP

NIYA

SILA

TRADE HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with