^

Pang Movies

Yasmien binigyan ng misyon ng Nuno sa Punso

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ngayong Sabado sa Magpakailanman, itinatampok sina Raymart Santiago at Yasmien Kurdi sa isang makapanindig-balahibong katatakutan ngunit nakakaantig na kuwento ng pagsasakripisyo para sa pamilya. Ang episode na pinamagatang Ang Kapangyarihan ng Nuno sa Punso ay mula sa direksyon ni Michael de Mesa.

Ang tanging hiling ng mag-asawang sina Max at Flor ay mamuhay ng tahimik sa isang lumang bahay sa Maynila. Ngunit unti-unti silang makakaranas ng mga kababalaghan. Nilisan nila ang lugar subalit hindi pa rin sila tinigilan ng mga pagpaparamdam at nadamay pa ang kanilang anak nang ito’y paglaruan at malagay sa peligro.

Ang mga kababalaghan ay senyales pala ng isang misyon na gustong iatang ng mga nuno kay Max. Para lubayan ang kanyang pamilya, tinanggap ito ni Max. Sa tuwing susubukan niyang itigil ang panggagamot ay bumabalik sa pamilya niya ang peligro hanggang sa maapektuhan na ang pagsasama ng mag-asawa.

Paano nga ba pipili si Max sa dalawang bagay na alam niyang parehong maglalagay sa panganib sa kanyang pamilya? Pipiliin niya bang ayusin ang relasyon sa asawa o itutuloy ang misyong ibinigay sa kanya ng mga nuno sa punso?

Alamin ngayong Sabado kung paano mananaig ang kabutihan at magwawagi ang pagmamahal sa pamilya sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment

ALAMIN

ANG

ANG KAPANGYARIHAN

MAGPAKAILANMAN

MAYNILA

NGAYONG SABADO

NGUNIT

NILISAN

PEPITO MANALOTO

RAYMART SANTIAGO

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with