^

Pang Movies

Kaya apat na buwan lang nag-on, drama actress inalipusta ng pamilya ng male celeb

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kung noon ay super-deny ang drama actress na ito sa naging relasyon niya sa isang male celebrity, ngayon ay okey na raw niyang aminin ito dahil may kanya-kanya na silang buhay.

Hindi naman daw kasalanan ng drama actress kung nahumaling sa kanya si male celebrity pagkatapos nilang magkaroon ng kissing scene sa pinagsamahang teleserye.

Sinabihan ni drama actress si male celebrity na huwag na niyang ituloy ang panliligaw sa kanya dahil magugulo lang daw ang pagkakaibigan nila, pero itinuloy pa rin nito kaya lalo siyang na-in love rito.

Isang gabi pag-uwi ni drama actress sa kanila, nakita niyang puno ng red and white roses ang bahay nila.

Pagpasok nga ni drama actress ay nakita niyang may nakahandang dinner sa kanilang lamesa complete with wine at candles.

Ang male celebrity ang nagluto at kinuntiyaba nito ang ina ni drama actress.

Hindi inakala ni drama actress na malalaman ni male celebrity ang bahay nila dahil bukod sa malayo ito, alam niyang hindi nito magugustuhan ang kanilang neighborhood dahil mara­ming jologs.

Pero pumunta pa rin ito at nag-abala dahil iba ang nararamdaman niya sa drama actress.

Nagkaroon ng sikretong relasyon ang dalawa ng higit apat na buwan bago sila naghiwalay ng maayos.

Ang dahilan naman ng paghiwalay nila ay ang pakikialam ng pamilya ni male celebrity.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang relasyon nito sa isa pang aktres.

Hindi na raw ma-take ni drama actress ang mga nakakarating sa kanyang pintas ng pamilya ni male celebrity kaya siya na ang nagwakas sa sikretong relasyon nila.

Kung wala raw naging epal sa relasyon nila, malamang na sila ang nagkatuluyan dahil sa apat na buwan nilang relasyon, ramdam ni drama actress ang pagmamahal sa kanya ni male celebrity. ‘Yun nga lang ay hindi siya naipaglaban nito sa kanyang pamilya.

Pacman lalaban pa raw ng isa bago sumabak sa kampanya 

Ginawaran ng Asia Game Changer of the Year Award ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao dahil sa paggamit niya ng sport na boxing para makatulong at maging inspirasyon sa maraming tao sa buong mundo.

Tinanggap ni Pacman ang award sa New York at ang mga dating ginawaran ng parangal na ito ay sina Chinese billionaire Jack Ma noong 2014 at ang Pakistani Nobel Peace Prize winner Malala Yousafzai.

Nabanggit din ang pagiging pilantropo ni Pacman. Marami siyang natulu­ngang kabataan para makatapos sa kanilang pag-aaral at mga aspiring boxer sa pamamagitan ng libreng training.

“I am really thankful and happy because of this award,” maigsing pahayag pa ni Pacman.

Sa naturang event ay tinanong si Pacman tungkol sa nababalitang rematch nila ni Floyd Mayweather, Jr.

Ayon sa report ng AFP, si Pacman na mismo ang nakikipag-negotiate para sa rematch nila ni Mayweather.

Nais ni Pacman na muling makaharap sa ring si Mayweather early next year bago magsimula ang kampanya niya para sa pagtakbo bilang senador.

“I will fight anybody, anywhere. I am going to fight probably before the election... The election is coming next year, May, and before that I will probably have one fight,” paniguro ni Pacman.

Nagbigay ng interview ang kanyang promoter na si Bob Arum sa media na magre-retire na si Manny next year dahil sa political career nito.

Hindi naman ito kinontra ni Pacman.

“I think I’m ready to retire. I’ve been in boxing for more than 20 years. I will have to give up the other things that require my attention.

“If you are a senator, your focus should only be your job and your family,” diin pa ni Manny Pacquiao.

Emilia Clarke pinakaseksing babae ng Esquire mag

Ang Game of Thrones star na si Emilia Clarke ang napili bilang Sexiest Woman Alive ng Esquire magazine.

Very daring ang naging photo shoot ni Emilia para sa naturang magazine. Topless siya sa isang shoot at ang nakatakip lang sa kanya ay isang maliit na kumot.

“Half pal, half dominatrix. Half kid sister, half sexy queen. The movie star who plays, in her real life, an anonymous, funny beauty. This is the gorgeous balance of Emilia Clarke,” pag-describe pa sa kanya ng Esquire.

Naging global superstar si Emilia dahil sa pagganap niya bilang si Daenerys Targaryen sa hit HBO series na Game of Thrones.

Ikinuwento ni Emilia kung paano siya na-cast sa hit TV series na ito.

“My agent told the casting director, ‘I know that the breakdown for this character is tall and willowy and blonde. I know she’s short and round and brown, but I’d like you to see her.’

“I had two scenes which told me nothing and not very much time in which to read all those books. So I did what every good actor does and Wikipedia’d the living crap out of it.”

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ALIGN

ANG

DAHIL

DRAMA

EMILIA CLARKE

LEFT

PACMAN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with