^

Pang Movies

Kakulitan ni Ryzza Mae ‘di umubra kay Ningning!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Natalo ang show ni Ryzza Mae Dizon sa inilabas ng ABS-CBN na rating sa survey ng Kantar Media last Monday. Tumaob si Ryzza sa pilot episode ng Ning­ning sa nation TV rating ng Kapamilya Network na pumalo sa 19.9%  kumpara sa katapat na show ni Aling Maliit na 8.9 %.

Si Jana Agoncillo ang gumaganap na bida bilang Ning­ning, ang palabas na pumalit sa Oh My G! na pinagbidahan naman noon ni Janella Salvador.

In fairness sa palabas ng Ningning, talagang nakaeengganyong panoorin dahil hindi lang ito drama kundi may lahok ding comedy at romance. Hindi lang din ang matitin­ding power cast ang aabangan tulad nina Beauty Gonzales, Sylvia Sanchez, Rommel Padilla, Vandolph, Nonie Buencamino, at marami pang iba, kundi pati ang location na napakaganda ng mga shot na kinunan pa nila sa Palawan.

Bale ba, hindi ito ang unang pagsasama nina Jana at Beauty sa palabas na Ningning, dahil parang kelan lang ay maganda na ang team up nila sa hit soap nilang Dream Dad na dating nanay-nanayan ng bagets.

This time si Beauty ang mismong nanay ni Ningning na asawa ni Ketchup Eusebio na kasama rin nila sa Dream Dad. Pare-pareho silang nabigyan agad ng assignment. Pareho ring sinuwerte ang career nina Beauty at Ketchup na mas lumalim na ang kanilang pag-arte, kaya naging bida na rin sila sa Ningning na direksyon ni Jeffrey Jeturian.

ACIRC

ALING MALIIT

ANG

BEAUTY GONZALES

DREAM DAD

JANELLA SALVADOR

JEFFREY JETURIAN

KANTAR MEDIA

KAPAMILYA NETWORK

KETCHUP EUSEBIO

NINGNING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with