^

Pang Movies

Winwyn umamin din na todo-iyak nang matalo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Winwyn Marquez na iniyakan niya rin ang pagkatalo niya sa nakaraang Bb. Pilipinas pageant kung saan nga ay hanggang sa top 15 lang siya nakapasok.

“Siyempre after the pageant, I cried,” sabi ni Winwyn nang makausap ng entertainment press sa Love Collection 2 nina Ruffa Gutierrez at Rajo Laurel. “Of course, sino ba naman (ang hindi) ‘di ba? I wouldn’t lie naman, I cried.

“Siyempre, all the efforts, all the sacrifices, I thought ano bang kulang sa akin? I doubted myself for a while.

“Yes, I did cry, pero saglit lang kasi si Tita Melanie (Marquez) she went backstage agad, and some other beauty queens went up to me also.”

Pero natanggap naman daw niya agad ang pagkatalo at madali siyang nakapag-move on. In fact, that night after the pageant ay nag-post na si Winwyn ng pasasalamat sa kanyang supporters and congratulated the winners.

Ayon pa kay Winwyn, sobrang overwhelming ang support na natanggap niya at sobrang thankful niya sa mga taong nagpost at nag-tweet pa na siya raw dapat ang nanalo.

“Kay Ms. Ruffa Gutierrez, salamat po. Ms. Sunshine (Cruz), she tweeted. Wala po akong masasabi kundi thank you.

Thank you talaga,” say pa ng young actress.

Of course, kasama ang parents niyang sina Alma Moreno and Joey Marquez sa mga nagtataka na hindi siya nakakuha ng pwesto lalo na raw ang ama.

“Nagulat siya, siyempre, pero sabi niya nga everything has a reason. “Hindi naman lahat mananalo, may talo pa rin, okay naman sila.”

And wala rin siyang kuwestyon sa mga nanalo dahil lahat naman daw ng mga ito ay deserving.

“All the winners are deserving, lahat sila,” pagtatapos ni WinWyn.

Melissa hindi pa rin pinapansin ng Gabriela?!

Heard na tuluyan nang magsasampa ng kaso laban kay Melissa Mendez ang kaibigan ni Andrew Wolff na si Rey Pamaran na matatandaang nakaalitan ng aktres sa eroplano na humantong sa pagkakasampal ng aktres sa huli.

Nakatakdang magsampa si Pamaran ng kasong Slander by Deed na nagkakahalaga ng P3-M sa Taguig Prosecutor’s office ngayong araw na ito, Wednesday.

Matatandaang nagbanta si Pamaran kay Melissa na idedemanda niya ito kung hindi sasabihin ang totoo. As we all know ay magkaiba ang kanilang bersyon hinggil sa nangyari.

Sa huli namang panayam ni Melissa sinabi niyang hihingi siya ng tulong sa Gabriela pero wala pang balita so far kung matutuloy ba ito.

Kung ganyang mauuwi na sa demandahan, mukhang matagal-tagal pa ang itatakbo ng isyung ito. (As of presstime daw ateng ay nag-sorry si Melissa kay Mr. Pamaran pero wala pang nakakaalam kung itutuloy daw ang demanda. – SVA)

Aubrey ginawang katatawanAN si Melissa

Kaugnay pa rin ng issue ni Melissa, pinag-uusapan naman sa showbiz ang pagsawsaw ni Aubrey Miles sa nasabing kontrobersiya. Nag-post kasi si Aubrey ng larawan niya sa kanyang Instagram account kung saan ay tila nasa loob siya ng eroplano at nakaupo siya sa walang bintana sa tabi.

Nilagyan ito ng dating sexy star ng caption na: “Leaving Davao. I requested for a window seat but where’s the window? Hahaha. Awwww

I won’t be able to see the clouds. Hayyy, 3rd time na ‘to, promise. But it’s okay, itutulog ko na lang.”

Ni-repost ito ni Andrew na nilagyan naman ng caption na “Should have got 2A or 3A or 4A or 5A... 40A or 41A,” na obviously ay patama kay Melissa.

Nagiging running joke na tuloy ang “clouds” ngayon sa showbiz at ang laging dialogue ngayon ay “titingin ako ng ulap”.

vuukle comment

ALMA MORENO AND JOEY MARQUEZ

ANDREW WOLFF

AUBREY

AUBREY MILES

GABRIELA

MELISSA

NAMAN

NIYA

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with