Wish ni Julia sa birthday hindi natupad! Claudine agaw eksena!
SVA (Pang-masa) - March 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi natupad ang wish ni Julia Barretto na buuin ang kanyang pamilya sa mala-fairy tale na debut na ginanap the other night sa Shangri-La Makati.

Although alam na nila from the start na hindi dadalo ang tita niyang si Gret­chen Barretto dahil a day before the debut ay nagpa-London ito, may ilan pa ring umaasa na kahit sa video man lang ay sosorpresahin siya ng kanyang tita.

Pero wala kahit anong pasabi si Gretchen.

Ang maganda lang, dumating ang kanyang daddy Dennis Padilla na hitsurang pinaghandaan daw ang debut, ang kanyang lola’t lolo at tita Claudine Barretto.

Almost three years din ang naging away ng mommy ni Julia at tita Claudine niya. Kinampihan ng mga magulang nila si Claudine. Pero sa kanyang debut ay nagsama-sama sila.

Si Claudine ay dumating na naka-black gown na agaw eksena escorted by his father.

Si Dennis naman ay pinagkaguluhan ng media nang dumating.

May song naman na dinidicate si Marjorie sa anak sang by Klarisse de Guzman na personal favorite daw ni Julia.

Sinorpresa naman ni Inigo Pascual si Julia ng version niya ng kantang The Way You Look Tonight at dumating naman ang sinasabing mahigpit niyang karibal sa showbiz na si Liza Soberano (escorted by Enrique Gil) and Janelle Salvador.

“You are our little princess and soon you will be a queen.  I love You,” sabi ni Claudine sa kanyang message sa pamangkin.

Si Dennis naman ay looking forward to have more bonding time with Julia.

Carousel setup ang buong ballroom.

Official hashtag #JustJulia Trended No .3 in the Philippines.

#HappyBirthdayJulia No. 7 in the Philippines

“To my Mom, ikaw ang tunay na may debut ngayon, Ikaw lahat ito

To my Dad, i Love you.

Thank you to my family the most controversial family whatever happens Im Still proud to be proud to be a Barretto,” mensahe ng debutante.

Mapapanood ang kabuuan ng debut ni Julia - JustJulia Beautiful@18 sa March 29, Sunday, after GGV.                 

BARRETTO CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO DENNIS PADILLA ENRIQUE GIL IM STILL INIGO PASCUAL JULIA SI DENNIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with