^

Pang Movies

Sa presinto pa sana ang bagsak kung hindi inarbor ng kasama; male celeb kinaladkad at dinala sa dentention room nang malasing at mang-away sa casino sa abroad

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muntik na palang makulong ang male celebrity na ito dahil sa kanyang pagiging maangas nang pumunta ito sa isang kilalang casino sa ibang bansa.

Kuwento ng aming source na masyadong mabilis daw ang pangyayari at nakita na lang daw niya na kinakaladkad ang male celebrity papalabas ng kilalang pasugalan. Pinaligiran daw ito ng malalaking bouncers dahil lumalaban pa raw ito.

Nakilala nga siya ng mga Pinoy na naroon sa naturang casino. Kaya nagulat sila sa inasal daw nito dahil tingin pa naman nila dito ay matino.

“Nakainom kasi si male celebrity kaya hayun nagwawala siya,” sey ng aming source na nakita ang pangyayari.

“Noong makita ko siya sa loob ng pasugalan, okey pa naman siya. Nakikipagtawanan pa nga siya sa ilang tao. May mga kasama siya noong pumasok siya, pero nagtaka ako kung bakit biglang nawala ang mga kasama niya noong palabasin siya ng pasugalan.

“Ako nga ang nahiya sa male celebrity kasi nakitang hinuli siya at kung anu-ano ang mga sinasabi niya. Lasing na kasi kaya nagmumura. Buti at dinala lang siya sa detention room ng pasugalan. Hindi siya dinala sa presinto dahil may nakiusap yata.”

Kaya raw hinuli ng bouncers si male celebrity dahil may nakasagutan itong isa ring nagsusugal na foreigner. Medyo agresibo lang si male celebrity dahil nakainom na ito. Para hindi na humaba ang usapan ay tinalikuran na lang siya at lilipat na lang ng ibang table ang foreigner.

“Eh dahil nga nakainom na si drama actor, hinablot niya sa balikat ‘yung foreigner. Doon na nagalit ang foreigner at nagkatulakan na sila. Dahil nga si male celebrity ang nagsimula ng gulo, siya ang ipinahuli at muntik na itong dalhin sa presinto.

“Pero may nakiusap nga na sa detention room na lang dalhin ito para mahimasmasan. More than four hours din daw siya roon bago siya palabasin at pauwiin na,” sey pa ng source namin.       

Isa nga raw sa mga kasama ng male celebrity ang nakiusap sa mga security na ‘wag itong ipapulis. Lasing lang daw ito kaya wala sa katinuan. Hindi lang kasi niya nabantayan ang pag-inom nito kaya napasobra.

“Mabuti na lang at pumayag ang security sa request niya. Ang rule kasi roon sa pasugalan na kapag may nanggulo, diretso sa presinto. Pero dahil kilala ang male celebrity, pinabigyan nila ito.

“Masuwerte si male celebrity dahil na-detain lang siya sa casino. Kung sa presinto siya diniretso, kukunan siya ng mug shot at magkakaroon siya ng file sa presinto.

“Yun nga lang, banned na siya sa naturang casino. Kapag may nanggulo kasi, automatic na hindi na siya puwedeng makabalik doon kesehodang celebrity pa siya,” pagtatapos ng source namin.

vuukle comment

CELEBRITY

DAHIL

KAYA

LANG

MALE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with