^

Pang Movies

Marian bibinyagan na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Humingi muna kami ng permiso na isulat ang dalawang mala­king events tungkol sa Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na magaganap today, with the promise na wala kaming isusulat na detalye para naman hindi ma-preempt ang muling pagpapabinyag ni Marian, kung sino ang nag-iisang ninong at ninang niya at kung saang simbahan ito gagawin. Pagkatapos noon ay imi-meet na nina Dingdong at Ma­rian ang magiging mga principal at secondary sponsors nila. Ang alam namin, wala itong TV coverage at magpu-provide na lamang sila ng video ng magaganap.

But knowing ang soon-to-be mister and misis, baka mabago pa rin ang plano nila dahil gusto nilang i-share sa lahat ang mga preparations nila sa kanilang mga fans and friends. Tiyak din, ang mga invited guests ay hindi makatitiis mag-post ng mga pictorials nila with Dingdong and Marian sa kanilang mga Twitter at Facebook accounts. 

Maricel takot ma-bash kaya ayaw mag-social media

Last Friday’s episode ng Ang Dalawang Mrs. Real, nag-join si Diamond Star Maricel Soriano sa Twitter party ng mga sumusubaybay sa serye nila.  Hindi marunong si Maricel mag-tweet at nag­papaturo lamang siya kung paano. 

Natutuwa at nagpapasalamat siya kapag sinasabing nagti-trending ang kanilang episode at nakikibasa lamang siya sa magagandang comments sa show. Hanggang ngayon kasi, ayaw niyang sumali sa social media dahil ayaw daw niya iyong bina-bash siya at mga kasama niya sa soap. Magtu-Twitter at Facebook daw lamang siya kung ipagbabawal ang bashing at pang-aaway ng haters. Ayaw daw niyang ma-high-blood, kaya huwag na lamang daw.

Nag-iimbita si Maricel sa mga tagasubaybay ng Ang Dalawang Mrs. Real na hindi nasimulan ang story noong June 2 para mapanood ang rewind ng kanilang serye.  Marami raw kasi silang natanggap na request na sana muling mapanood ito, kaya ngayong Linggo, simula 11:45 a.m., bago ang Sunday All Stars mapapanood ang first part ng story.

DIAMOND STAR MARICEL SORIANO

DINGDONG AND MARIAN

FACEBOOK

KAPUSO PRIMETIME KING DINGDONG DANTES

KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA

MARICEL

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with