^

Pang Movies

Marian at Bela nagkaayos na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Time really heal wounds. Nakatutuwa ang palitan ng messages nina Marian Rivera at Bela Padilla sa kanilang mga Instagram account pagkatapos mag-guest ni Bela sa dance show na Marian.  

@belapadilla: thank you for having me on your show @the realmarian. I had a great time. @the realmarian @belapadilla: salamat din sa pag-guest.  Sa uulitin, Yumi. @belapadilla @the realmarian thank you Jenny.

Kung matatandaan, nag­karoon ng issue kina Marian at Bela nung ginawa nila ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang Endless Love  na si Jenny ay si Marian at si Yumi ay si Bela na sa story ay in love kay Dingdong Dantes.  

Simula noon ay parang hindi na pwedeng magkita o magkasama sa isang show ang dalawa. Pero lahat iyon ay wala na ngayong nag-mature na sila pareho at si Marian pa ang nag-suggest na i-guest si Bela at Sam Pinto na nagkaroon din ng issue nang dalawang beses siyang manalong FHM sexiest woman over Marian.  

Kaya tuwang-tuwa ang nag-guest ding si Sarah Labhati na pare-parehong friends ang tatlo. Isinama pa ni Sarah si Baby Zion na inaanak ni Marian na hindi nakarating noong binyag ng bagets dahil nasa Freedom tour siya sa States. 

Lahat ng iyan ay napapanood sa Saturday, July 26 with special guest Gab Valenciano na siyang nag-request ng dance showdown with Marian.

Anyways, bukod sa balik ulit si Marian sa pag-co-host niya kina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga, magiging busy rin siya sa paglo-launch ng TVC ng dalawa pa niyang endorsements, isang brand ng coffee at isang fabric conditioner.

Actor-singer inilIgwak ng kanyang network

Just asking: Bakit kaya hindi na talaga kinuha ang isang actor-singer ng kanyang dating studio? Iyong ibang kasama niya ay naggi-guest pa rin sa mga shows nila, pero siya ay hindi na napapanood. May pagkakamali kaya siyang nagawa kaya final goodbye na talaga?  Pero we’re sure na hindi naman mawawalan ng show ang actor-singer dahil mahusay naman siya talaga.

Fans ni Dingdong nagrereklamo

Nangungulit na ang mga televiewers ng Ang Dalawang Mrs. Real kung kailan ba talaga mag-haharap sina Millet (Maricel Soriano) at Shiela (Lovi Poe), inip na inip na raw sila.  

May reklamo rin ang mga fans ni Anthony   (Dingdong Dantes) dahil bugbog na raw sa mga netizens na sumasali sa Twitter party ng drama series ni Andoy Ranay ang character nito at tinatawag na ng kung anu-ano si Anthony na double crosser daw dahil may asawa na, nagpakasal pa iba.  Ang nakakatawa, sabi pa nila, hindi raw ganoon si Dingdong sa tunay na buhay.  Sabi nga ni Dingdong, “ac­ting lamang iyon.”

 

vuukle comment

ANDOY RANAY

BABY ZION

BELA PADILLA

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

GAB VALENCIANO

JOSE MANALO

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with