^

Pang Movies

Kris idinipensa ang anak ni Sen. Jinggoy

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong nahaharap ang kumpareng si Senator Jinggoy Estrada sa pork barrel scam controversy ay hindi maiwasang ipagtanggol ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kaibigan. Sa programang The Buzz ay nagbigay ng pahayag si Kris tungkol sa diumano’y marangayang pamumuhay ng mga anak ng Senador.

Ipinaalam niya kung gaano raw kasimpleng pamumuhay mayroon ang isang anak ni Senator Jinggoy na si Janella.

 “Janella is my inaanak. Wala akong nakita sa kanyang karangyaan. She’s a councilor in San Juan, she’s the daughter of Jinggoy and Precy and, in fact, several times niya akong dinalaw sa set. Simple ang sasakyan at simpleng manamit and siguro because nga pulitiko na siya. Marunong makisama, nagdala ng merienda,” unang pahayag ni Kris.

“Hindi ko masyadong kilala ‘yung brothers niya and hindi ako makaka-comment sa mga post nila. Pero doon sa kakilala kong anak nila, gusto ko ‘yung pagpapalaki sa kanya kasi makatao siya,” dagdag pa nito.

Binatikos ang bonggang lifestyle ng anak ni Jinggoy gaya ng mga post nito na suot ang Louis Vuitton shoes, staying in a presidential suite sa  Manila Hotel, and riding a private jet – na gaya ni Jeane Napoles, ang anak ng alleged pork barrel mastermind Janet Lim Napoles.

Maging ang Former President at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ay dinepensahan ang apo sa mga batikos.            

             

vuukle comment

FORMER PRESIDENT

JANELLA

JANET LIM NAPOLES

JEANE NAPOLES

JINGGOY AND PRECY

KRIS AQUINO

LOUIS VUITTON

MANILA HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with