^

Pang Movies

TV host nagbabalak bumalik sa inayawang show, pambayad sa bahay at kotse paubos na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Gustong bumalik ng TV host na ito sa kanyang dating show pero mukhang mahihirapan siya. May mga tao kasing nasaktan sa kanyang paglipat noon sa ibang istasyon kaya pakiramdam niya ay “persona non grata” na siya sa naturang programa.

Ang rason ng TV host kung bakit gusto niyang bumalik sa dating show ay dahil nawala na ang mga show niya sa nilipatang TV station.

Noong nag-iba raw ng management ay kasama ang mga show niya sa mga natsugi at ngayon ay wala siyang pinagkakakitaan. Unlike in the past three years ay sagana siya sa kita kaya naman nakabili siya ng bahay at bagong sasakyan.

Marami ang nakapuna na tila lumaki rin ang ulo ni TV host at yumabang. ’Yung mga dating katrabaho, kapag nasasalubong niya, ay hindi niya binabati. At laging chin up daw ito na tila walang nakikita.

Ngayon ang mga hindi niya binabati noong super busy siya ang siyang gusto niyang lapitan para magpatulong na ibalik siya sa show. Pero masama pa ang loob nila kay TV host kaya dedma sila.

Ang worry ni TV host ay kung hindi pa siya makakuha ng regular na pagkakakitaan in the next two months ay mauubos na ang ipon niya dahil sa pagbabayad niya sa kinuhang bahay at kotse. Kaya desperado na siya or else balik siya sa pagiging poor ulit.

Baguhang singer ng Viva nahanap ang magkahiwalay na magulang

Makulay ang buhay ng bagong singer ng Viva Records na si MJ Cayabyab. Galing na kay MJ na parang teleserye ang kanyang buhay. Lumaki siya na hindi niya nakikilala ang kanyang mga magulang at pinalaki siya ng kanyang dalawang lola.

Two years old pa lang siya nang iwan na siya ng kanyang ina para magtrabaho sa Malaysia. Ang kanyang tunay na ama ay iniwan na sila bago pa man siya ipinanganak.

Pero kahit na may kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga magulang, gusto niyang magkaayos pa rin sila.

“Nakilala ko ulit ang mother ko noong naka-graduate na ako ng high school. Meron na siyang ibang pamilya. Si daddy naman, noong una ay ayaw pang ibigay nina mommy at lola ang pangalan niya sa akin. Baka raw bigyan ng masamang kahulugan ang paghanap ko sa kanya.

“Sinabi ko naman na gusto ko lang siyang makilala. Wala akong hihingin sa kanya. Kung hindi siya sumagot sa akin, okay lang. Kaya noong ibigay ang name sa akin ay hinanap ko siya agad sa Facebook,” kuwento pa ni MJ.

Natuwa naman si MJ nang sumagot agad ang kanyang ama at nagkausap sila. Nagawa pa niyang mapag-usap ang kanyang mga magulang via tele­conference.

“Kahit na may kanya-kanya na silang mga pamilya, ang importante ay maging magkaibigan na ulit sila. May anak sila at ako iyon. Responsibilidad na ayusin sila para naman maging friends man lang sila,” asam ng singer.

Dahil sa ginawang iyon ni MJ kaya nabiyayaan siya ng isang album na MJ Cayabyab: Larawang Kupas na produced ng Viva Records.

Dapat daw isasama siya sa isang all-boy band pero ginawa siyang solo artist na lang at pinapirma pa siya ng management contract para sa Viva Artists Agency.

Ang carrier single nga ng album ay ang kanyang revival ng Larawang Kupas. Kasama rin ang mga single na Mahal na Mahal Kita, Kahit Ika’y Nagbago, Dahil sa ‘Yo, at Muntik na Kitang Minahal.

vuukle comment

CAYABYAB

DAHIL

KANYANG

LARAWANG KUPAS

NIYA

SILA

SIYA

VIVA RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with