Bugoy Cariño mag-a-ala Daniel Padilla
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - May 19, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tampok sa hit kiddie gag show na Goin’ Bulilit ngayong Linggo ang rendition ni Bugoy Cariño ng sikat na awitin ni Daniel Padilla na  Nasa ‘Yo Na Ang Lahat.

At dahil nga buwan ng Mayo, merong Santacruzan-themed sketches ang mga tsikiting.

May inihanda rin silang gags tungkol sa sikat na Gwiyomi video ni Macky Becky sa segment na Palusot ‘Pag Nahuli Ka Ng Tatay Mong Naka-wig.

Kasama rin sa mga segment ang Away-bati sa Buffet gags na tungkol sa mga handaan tuwing fiesta. Siyempre, di mawawala ang paboritong segment na Ooh Eew at Ang Korni.

 Makitawa, makisaya sa Goin’ Bulilit ngayong Linggo (May 19) pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

ANG KORNI BUGOY CARI BULILIT DANIEL PADILLA GOIN LINGGO MACKY BECKY OOH EEW PAG NAHULI KA NG TATAY MONG NAKA PATROL WEEKEND YO NA ANG LAHAT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with