Jennylyn future first lady ng Batangas
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 16, 2013 - 12:00am

May konting irita na sa boses ni Jennylyn Mercado sa paulit-ulit na pagtatanong sa kanya ng ilang entertainment press sa presscon ng The Bride and the Lover na may live-in arrangement na sila ng boyfriend of more than one year na si Luis Manzano.

 â€œHindi po totoo iyon. Sa bahay ko pa rin ako nakatira dahil bahay ko iyon,” sagot ni Jen.  “Ako lamang ang personal na nag-aalaga kay Jazz, who’s very makulit na rin at five years old, kaya hindi puwedeng wala ako sa bahay ko. Kung may time, ako ang naghahatid sa kanya sa school niya. Nandoon man si Mommy Lydia, kapag may work ako, hindi ko sila puwedeng pabayaang sila-sila lamang.”

Kahit ang pagpipilit kay Jen kung kailan sila magpapakasal ni Luis, no proposal yet, at ni hindi raw nila iyon pinag-uusapan pa dahil they are both young pa naman. Luis is 32 years old, while she is only 25 years old. Pareho sila ni Luis na very busy sa kani-kanilang work pero they find time rin naman to be together once in a while.

Siya raw ang future first lady ng Lipa, Batangas?

“Naku, pagdating sa politics, hindi po ako nakikialam, ni hindi nababanggit sa akin ni Luis ang tungkol diyan. Basta ako, anumang pasukin niya, narito lamang ako, susuportahan ko siya,” sabi ng aktres.

Sa May 1 na mapapanood ang The Bride and the Lover in theaters nationwide.

Richard nakipaghabulan sa mga kalye ng Maynila

Enjoy but very cautious si Richard Gutierrez sa pagganap niya as Navy Seal Edward Gomez sa action-drama series na Love and Lies. Pero this time kailangan niyang magpaalam sa trabaho para hanapin ang dinukot na asawa niyang si Cathy (Michelle Madrigal) at kung sino ang dumukot sa kanya. 

“Sana napanood ninyo ang paghabol ko sa isang suspect na nakita ko sa downtown Manila at kailangang makipaghabulan ako sa kanya sa gitna ng mga tao, on foot,” kuwento ni Richard. â€œKailangang maging maingat si Direk Mark sa pag-execute ng scene para hindi kami makasakit sa bystanders na kasama sa eksena. Nakakapagod dahil kinunan ito nang tuhog ni Direk Mark pero nag-enjoy ako. Action na action talaga.”

Ayon kay Direk Mark, lagi silang naghahabol sa mga eksenang ipalalabas kinagabihan pero dahil sa magagandang feedbacks, at mataas na rating, motivated sila to do a good show, lalo pa at mahuhusay lahat ang mga kasama ni Richard sa action-drama series like Paulo Contis, Bobby Andrews, Sid Lucero. Kaya huwag daw i-miss ang isang habulan na kukunan sa Tagaytay.

Napapanood ang Love and Lies every night, pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin sa GMA 7.

AKO BOBBY ANDREWS BRIDE AND THE LOVER DIREK MARK LOVE AND LIES LUIS LUIS MANZANO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with