^

Pang Movies

Aktor na pamilyado na pinagsarhan ng gate ng madir ng aktres, naamoy ang masamang balak

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Pinagsarhan pala ng gate ang aktor ng madir ng isang aktres nang pumunta ito sa bahay nila minsan.

Katuwiran ng aktor, isasabay na raw niya ang aktres tutal naman ay pareho silang pupunta sa shooting dahil meron silang ginagawang pelikula. Pero dedma sa nanay ang palusot ng aktor na kilalang babaero kahit may asawa’t anak na.

Hindi raw kasi nagustuhan ng nanay ng aktres ang panunuyo ng aktor sa location shooting habang katrabaho nito ang flawless niyang anak. Nagtataka lang ang madir kung bakit babaero ito samantalang saksakan ng sexy at ganda ng asawa ng kilalang aktor.

Krista mapapadikit uli kay Cesar sa TV5!

Sanay nga ay magtuluy-tuloy na ang suwerte ni Krista Miller dahil hindi pa man man umiinit ang Boracay Bodies na unang show niya sa TV5 after ng kanyang kinasangkutang intriga kay Cesar Montano, may kumukuha na agad sa kanyang isang magazine para mag-pose. Kung magkakasundo sa usapan ay magsisimula na ang kanyang pictorial ngayong linggo.

Kung nagustuhan pa ni Willie Revillame ang kanyang opening dance number last Saturday sa Wo­wowillie ay baka maisipan ng TV host na isama siya para pang-dagdag ingay sa kanilang noontime show.

Only girl pala si Krista at bunso sa apat na magkakapatid at graduate siya ng kursong mediacom sa Assumption College. Kaya “baby girl” talaga siya ng kanyang pamilya at “bantay-sarado” siya hindi lang ng kanyang mga kuya kundi ng kanyang mommy na kasa-kasama nito sa kanyang mga lakad.

Malamang din na magkukrus ang landas nina Krista at Cesar dahil pareho silang nasa Kapatid Net­work ngayon na posibleng magkatrabaho pa kung sakali. ’Yun eh kung papayag ang aktor at hindi mag-iinarte ang sexy starlet sa trabahong ibibigay sa kanila ng network. 

Katuwiran ng kampo ni Krista, hindi nila alam na nasa TV5 pala si Cesar kaya posibleng iingay pa ang isyu sa pagitan ng dalawa at baka hindi pa matapos sa ngayon.

Richard nag-eendorso na rin ng pulitiko

Hindi na talaga maabot si Papa Chen o Ser Chef Richard Yap, in demand na siya sa TV ads at ngayon naman ay pumayag na rin siyang mag-endorse ng pulitiko na napapanood na sa TV ngayon.

Sa status  ni Ser Chef, malamang na sky’s the limit na ang TF niya sa kanyang mga project. Hindi na masama sa tulad niyang patok sa masa.

Nagustuhan siya kahit tipong masungit at tinitilian kapag ngumi­ngiti na.

vuukle comment

ASSUMPTION COLLEGE

BORACAY BODIES

CESAR MONTANO

KANYANG

KAPATID NET

KATUWIRAN

KRISTA

KRISTA MILLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with